^

Punto Mo

EDITORYAL -‘Delikadesa’

Pang-masa

MABUTI naman at nagkaroon ng “delikadesa” si dating Lanao del Sur congressman Macabangkit Lanto. Umatras siya sa appointment ni President Noynoy Aquino bilang Election Commisssioner. Kahanga-hanga ang kanyang ginawang pag-atras. Kung hindi siya nagkaroon ng “delikadesa” at naupo sa Comelec, baka hindi rin siya matatahimik sapagkat yuyugyugin ng batikos ang kanyang inuupuan. Mahirap magtrabaho kung may mga yumuyugyog.

Dapat namang maging aral sa Malacañang na huwag basta-basta mag-a-appoint. I-background check muna ang iuupong opisyal. Hindi at inirekomenda nang kaalyado o kadikit ay agad nang ilalagay sa puwesto.

Nagsingawan ang mga matitinding akusasyon kay Lanto makaraang ihayag ni P-Noy ang appointment. Nadiskubre na kinasuhan si Lanto ng Board of Election Inspectors sa Lanao del Sur noong 2007 dahil sa coercion. May nakabinbin pala siyang kaso. Bukod sa coercion case, nakapagparungis din kay Lanto ang pagkakatanggal bilang congressman ng second district ng Lanao del Sur noong 1994 dahil sa election fraud. Ayon sa House of Representative Electoral Tribunal (HRET), nakinabang si Lanto sa pandaraya makaraang palsipikahin ang election returns.

Mariin namang itinanggi ni Lanto ang pandaraya. Siya umano ang dinaya.

Umano’y si Senator Franklin Drilon ang backer ni Lanto. Bakit napakabilis namang magrekomenda ni Drilon at parang sure na sure siya sa taong “bitbit” sa Malacañang. Ngayong lumabas na ang katotohanan, lumalabas na ang kahiya-hiya ang nag-appoint kay Lanto.

Mabuti at nagbago ng isip si Lanto. Tama ang ginawa niya. Meron siyang “delikadesa” at sana ganito rin ang gawin ng iba pang opisyal ng pamahalaan. Hindi na dapat umabot sa pagbatikos para lamang magbitiw sa puwesto.

 

vuukle comment

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

DRILON

ELECTION COMMISSSIONER

HOUSE OF REPRESENTATIVE ELECTORAL TRIBUNAL

LANAO

LANTO

MACABANGKIT LANTO

MALACA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with