“I HATID mo na lang ako, Mulo. Babalik na ako sa bahay ni Jinky,†sabi ni Dick.
“Mabuti pa nga po, Sir Dick. Delikado po dahil gabi na.â€
“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Tina. Umaasa pa naman siya na mapoprotektahan ko si Jinky. Kabaliktaran pala dahil nawala sa paningin ko at hindi na alam ang nangyari…’’
“Ginawa mo naman po ang lahat, Sir Dick. Huwag mong sisihin ang sarili mo.â€
“Nag-aalala kasi ako, Mulo. May mga taong nagbanta kaya hindi ako mapalagay. Nagdududa ako na yung sinakyan niyang traysikel ay kakutsaba ng dalawang lalaking nagbanta kay Jinky.’’
Napatangu-tango si Mulo.
“Sige po, ihahatid ko na ikaw, Sir Dick. Doon po ba uli sa malapit sa bahay ni Mam Jinky. Yung pinaghatiran ko sa iyo noon.â€
“Oo.â€
Umalis na sila. Binilisan ni Mulo ang pagpapatakbo. Wala namang imik si Dick at nag-iisip sa maaaring nangyari kay Jinky.
Nakarating sila sa lugar na pinaghatiran noon ni Mulo.
“Salamat nang marami Mulo,†sabi at dumukot ng pera. Five hundred. Iniabot kay Mulo.
“Ang laki po nito, Sir Dick!â€
“Sige na. Malaki ang naÂitulong mo sa akin.â€
“Kapag kailangan mo ang tulong ko Sir Dick. I-text mo ako. Eto po ang cell number ko…â€
“Aba may cell ka na. Sige akinang number mo.â€
Matapos ibigay ay umalis na si Mulo at si Dick naman ay naglakad na patungo sa bahay ni Jinky.
Ano kayang sasabihin niya kay Tina?
Bago makarating sa bahay ay nadaanan ni Dick ang mga nakakulong na itik. Nabulabog at naghunihan nang marinig ang mga yabag niya.
Natanaw niya ang bahay ni Jinky. Nagtaka siya kung bakit madilim sa bahay. Bakit walang ilaw? Walang tao sa bahay? Nasaan kaya si Tina?
(Itutuloy)