^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi sana nagkamali sa iniupo sa BuCor

Pang-masa

MAY ilan nang pagkakamali ang Aquino administration ukol sa pagtatalaga ng pinuno sa departamento at mga tanggapan ng gobyerno. Maski sa pag-aappoint ng commissioner ay nagkakamali. Hindi muna sinusuri ang background ng inia-appoint. Madaling nagtitiwala sa nagrekomenda at ni hindi sinulyapan ang nakaraan kung mayroon ba itong kaso at may dungis. Titilamsik ang dumi sa administrasyon kapag ang iniupong opisyal ay palpak. Babakat sa pamahalaan ang anumang hindi mabuting gawin ng ini-aappoint na opisyal.

May bago na namang iniupo si President Aquino sa puwesto. Nilagyan na niya ang bakanteng puwesto sa Bureau of Corrections (BuCor). Itinalaga ni Aquino si dating retired police general Franklin Bucayu bilang acting chief ng BuCor. Ilang buwan ding walang hepe ang BuCor makaraang mag-resign si Gaudencio Pangilinan noong Disyembre. Nagbitiw sa BuCor si Pangilinan dahil sa “kagila-gilalas” na pagkakakidnap kay convicted murderer Rolito Go. Kinidnap si Go habang nasa bisinidad ng National Bilibid Prison (NBP). Dinala si Go at umano’y pamangking nurse nito sa isang lugar sa Batangas. Pagkaraan ng ilang araw ay pinakawalan din sina Go. Bukod sa Go kidnapping, marami ring pangyayari sa BuCor na mahirap paniwalaan na mangyayari pero nangyari. Ang inmate na si dating Batangas governor Antonio Leviste ay labas-masok sa NBP. Binibisita umano nito ang building sa Makati. May sariling drayber pa si Leviste. Isyu rin sa NBP kung paano naipapasok ang granada sa loob. May sumabog na granada makaraang ihagis ng isang inmate. Anim ang nasugatan sa pagsabog.

Ngayong si Bucayu na ang BuCor chief, maituwid kaya niya ang mga “likong” gawain sa NBP? Kaya ba niyang putulan ng sungay ang mga “maykayang” inmates na ginagawang bakasyunan ang NBP? O kainin din siya ng masamang sistema na naging kalakaran na sa pambansang bilangguan?

ANTONIO LEVISTE

AQUINO

BATANGAS

BUREAU OF CORRECTIONS

FRANKLIN BUCAYU

GAUDENCIO PANGILINAN

NATIONAL BILIBID PRISON

PRESIDENT AQUINO

ROLITO GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with