^

Punto Mo

Lampong (232)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ILANG metro ang layo ni Dick kay Jinky. Kailangan ay huwag siyang makita. Kapag inaakala ni Dick na lilingon si Jinky ay agad siyang kumukubli sa punongkahoy. Ma­­bilis maglakad si Jinky. Sanay na sanay sa mahabang lakaran. Kaya siguro napanatili niya ang magandang katawan. Kung ti-tingnan ay aakalaing wala pang anak si Jinky. Sariwang-sariwa. Habang nag­­ lalakad si Jinky ay nakikita ni Dick ang pag-indayog ng mala-lantik na baywang at mata-tambok na puwit. A, Jinky, hanggang kailan ako magta­tago? Iyon ang naibulong ni Dick sa sarili.

Patuloy sa paglalakad si Jinky. Nagtataka si Dick kung saan ito patungo. Parang gubat na itong pinapasok nila. Napakaraming matataas na kahoy. Delikado kapag sa ganitong lugar dumaan dahil walang mahihingian ng saklolo sakali’t may magtangka nang masama. Bakit dito pa nagdaan si Jinky?

Hanggang sa makarinig ng lagaslas ng tubig si Dick. Nang tanawin niya isang sapa na may napakalinaw na tubig ang nakita niya. May sapa pala rito! Mukhang marami nang dumayo sa sapa na ito para maligo dahil may mga bakas sa pampang.

Tumigil si Jinky. Pinagmasdan ang malinaw na tubig ng sapa. Nakakubli si Dick sa malaking puno. Naisip niya, balak pa yatang maligo ni Jinky. Mukhang naaalinsanganan ito.

Maya-maya, nakita niyang sumulyap sa relo si Jinky. Saka nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan ni Dick. Mabilis talagang maglakad si Jinky sapagkat umagwat nang malaking distansiya sa kanya. Sanay na sanay talaga sa mahabang lakaran.

Makaraan ang 20 minuto ay nakita niya ang maraming bahay. Ibang barangay na ma­ rahil ito. Isang bahay na konkreto na style bungalow ang tinungo ni Jinky. Natanaw niya na isang babae ang nagbukas ng gate. Pumasok si Jinky.

Naghanap nang matatam­bayan si Dick. Hindi niya alam kung gaano katagal si Jinky sa loob.

Natanaw niya ang isang sari-sari store di-kalayuan. Tinungo niya. Bumili siya ng tubig at biscuit. Naupo siya sa bangkong kahoy. Kinain niya ang biscuit. Habang kumakain nakatingin siya bahay na pinuntahan ni Jinky. Kapag lumabas si Jinky dapat alerto siya. Baka hindi niya namamalayan ay wala na pala sa loob si Jinky.

Inunti-unti niya ang pagkain at pag-inom.

Hanggang makita niya na lumabas na si Jinky sa bahay kasama ang isang lalaki. Sino kaya ang lalaking iyon?

(Itutuloy)

DICK

HABANG

HANGGANG

JINKY

KAPAG

MUKHANG

NATANAW

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with