Lalaki, nabarilsa binti ng kanyang alagang bulldog

KAHIT saan magpunta, laging kasama ni Gregory Lanier, 35, ng Florida ang kanyang alagang bulldog. Sanay na sanay na ang bulldog na sumakay sa pick-up truck ni Lanier.

Lagi rin namang dala ni Lanier ang kanyang handgun at inilalagay lang niya ito sa pagitan ng upuan. Pero sinisiguro niya na walang bala ang kanyang handgun kapag inilagay niya sa sasakyan.

Nang umagang iyon ay kasama na naman ni Lanier ang kanyang alagang bulldog. Wala itong tigil sa kalulukso habang nagmamaneho si Lanier. Hinahayaan niya ang aso.

Subalit sa muling paglukso ng bulldog ay natapakan nito ang baril at biglang pumutok. Tinamaan si Lanier sa binti. Tinamaan din ang door panel sa kabilang side.

Pero kahit na tinamaan, nagawa pa ring i-drive ni Lanier ang truck sa isang gas station at humingi ng tulong. Dinala siya sa ospital at ginamot. Nagpasalamat siya at hindi malubha ang pagkakabaril sa kanya ng alagang aso.

Walang sinampang kaso sa aso ni Lanier.

Show comments