SA hinabahaba ng kanilang relasyon sa isang kalembang lang sana…ayos na!
“Hindi ako nagpakasal sa kanya kasi gusto kong magkaanak,†pahayag ni Veron. Pagpapakasal sa dalawang dekadang ka-‘live in partner’ ang huling bagay na naisip ni Veronica Lagos o “Veronâ€, 57 taong gulang ng Pateros. Sa loob ng mahigit dalawampung taon kinasama ni Veron si Edgar Quiamjot, dating sekyu. Tubong Pototan, Iloilo itong si Veron. Taong 1991, habang natatrabaho sa Capitol Hills, Quezon City bilang isang ‘lady guard’ nakilala niya si Edgar mas kilala sa tawag na ‘Ed’. Isa rin gwardiya sa Celebrity Sport Complex. Bente Otso anyos nun si Ed, 32 taong gulang naman si Veron. Ayon kay Veron sa edad na ito ni hindi pa niya sinubok makiÂpagrelasyon. “Pihikan po ako sa lalake!†wika ni Veron. Si Ed naman, kahihiwalay lang sa dating ‘girlfriend’. Kwento ni Veron, nagkalapit sila ni Ed ng simulan siyang basahan nito ng bibliya. Mula sa pangangaral nauwi sa panliligaw itong si Ed sa dalaga. “Inaya niya na akong kumain sa labas at manuod ng sine,†pagbabalik tanaw ni Veron. Tatlong buwan makalipas naging sila. Agad din silang nagdesisyon na magsama. “Matanda na kami pareho…†giit ni Veron. Mabilis silang nag-‘live-in’ subalit napakatagal naman silang nagdesisyon magpakasal. “Mabait naman si Ed pero hindi ko naisip na magpakasal. Hindi namin napag-usapan nun…†ayon kay Veron.
Habang tumatagal ang kanilang pagsasama nagplano silang magkaanak. Dito nila nalamang may deperensya umano si Ed. Matapos magpasuri sinabi daw ng doctor na kulang ang bilang ng ‘sperm’ (sperm count) ni Ed. Tinanggap ni Veron ang kanilang sitwasyon subalit mas nanindigan siyang ayaw niya munang magpakasal. Gusto mang magkaaanak, pinili ni Veron na manatili kay Ed. ‘Di niya ito iniwan. “Napakabait kasi ni Ed, wala akong masabi!†paliwanag nito. Tumigil sa pagtatrabaho si Veron. Si Ed naman nanatili sa Best Security Agency, Dagat-dagatan Malabon sa loob ng 23 taon. Hanggang naging Guard Supervisor siya sa Philippine National Construction Corp. (PNCC). Maayos ang naging pagsasama nila Ed at Veron. Maging relasyon ng kanilang mga pamilya wala namang naging problema. Taong 2012, nanatili sa Pampanga si Veron para alagaan ang kanyang 94 anyos na ina. “Lunes-Biyernes nasa barracks si Ed, lingguhan kung umuwi sa amin,†sabi ni Veron. Ika-11 ng Oktubre 2012, ganap na 11:00 ng gabi pinuntahan siya ng pinsan ni Ed na si ‘Popoy’. Pinakiusap ni Popoy kay Veron ang pamangkin sa cellphone. “Auntie… si Tito Ed, patay na si Tito Ed!†wika ng pamangkin. Nanakbo si Veron papunta sa kapatid ni Ed na si ‘Merlyn’ habang humahagulgol. “Si Ed! Patay na si Ed!†paulit-ulit na sabi ni Veron. Alas dos ng umaga, lumuwas ng Maynila si Veron. Nadatnan niya sa Barracks ng PNCC si Ed. Matigas na ang katawan nito. Kwento ng mga kasamahan ni Ed, nakita na lang nilang nakadapa na si Ed habang naka-sport wear ito. Agad silang humingi ng saklolo sa mga pulis. Base sa Police Report na isinagawa Philippine National Police (PNP) Southern- Station Investigation and Detective Management Section, Paranaque City ni SPO1 Rudy Dimson, Station Investigator: Natagpuan si Ed na walang buhay sa loob ng PNCC Barracks, 6:45 ng gabi. Ika-11 ng Oktubre 2012. Ayon sa saksi na si SIC Fernandico Avelino nakita niya si Ed ng bisitahin niya ang kanilang barracks. Ayon sa kanya, buhay si Ed bandang 4:30-5:00 ng hapon.
Lumabas sa Death Certificate ni Ed, Cause of Death: Heart Attack. Inilagak ang mga labi ni Ed sa Pampanga. Sa burol ni Ed na daw nagsimula ang problema ni Veron. Ayon kay Veron, minamadali ng kanyang hipag na si Merlyn ang Death Certificate ni Ed. Kaya’t mali-mali raw ang nailagay Place of Death nito, sa halip na Paranaque naging Pampanga. Naramdaman din daw ni Veron na hinabol ng kapatid ang mga benepisyo ni Ed. Ang Pag-Ibig Benefits niya, maging ang binigay ng Best Security Agency kay Merlyn din daw napunta. “Live in ka lang. Wala kang karapatan!†sambit umano ni Merlyn sa kanya. Tanging Social Security System (SSS) death claims na lang ang benepisyong inaasahan ni Veron kaya’t nagsadya siya sa aming tanggapan.
Itinampok namin siya sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 KHZ(Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00AM-12:00NN). PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag, kinapanayam namin sa radyo ang ina ni Ed na si ‘Virginia’. Giit ni Virginia hindi nila inaangkin ang benepisyo ni Ed. “Bibigyan ka naman namin Veron, maghintay ka lang… ‘Wag ka ng magalit,†malumanay na sabi ni Virginia. Nilinaw ni Virginia na hindi pa nila nakukuha ang death benefits ni Ed. Kung ano man ang problema ni Veron at anak na si Merlyn, siya na daw ang bahala. “Ako ang kausapin mo. Huwag mong intindihin si Merlyn. Ako ang magbibigay sa’yo,†pangako ni Virginia. Para sa lubusang tulong, ni-refer namin si Veron sa SSS-Main kay Ms. Mae Francisco para malaman ang estado ng SSS Account ni Ed. SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, matapos pumunta ni Veron sa SSS, nalaman niya mula kay Ms. Bernadette Lareza, Senior Communication Panelist ng SSS na wala pang pina-file na ‘death claims’ ang pamilya ni Ed.
Ito’y ibinalita namin kay Ms. Francisco at pinaliwanag niya sa amin na sa ganitong kaso, ang legal wife ang dapat magpasa ng claims subalit dahil hindi sila kasal nitong si Ed, ang pamilya nito ang dapat mag-claim ng Funeral Claims na nagkakahalaga ng Php20,000. At dahil walang legal wife si Ed, ‘lump sum’ (isang bagsakan) ang ibibigay sa pamilya nito sa halip na ‘monthly pension’. Ang halaga nito ay dedepende sa kanyang kontribusyon. Ang dapat niyang gawin, samahan sa SSS ang magulang ni Ed at sila na ang mag-usap kung magkano ang kay Veron at para sa pamilya ni Ed sa probinsya. Ang mga bagay na ito’y napaka-simple sa isang maayos na pag-uusap. Malinaw naman sa pahayag ng ina ni Ed na bibigyan niya itong si Veron sa magkano mang halagang matatanggap nila mula sa SSS. Wala namang dapat pag-awayan o pagtalunan, ang kailangan lang ay maghintay lang dahil darating din yan. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Ang aming numero 09213263166(Chen) /09198972854 (Monique)/ 09213784392 (Pauline).Tumawag sa 6387285 at 24/7 hotline 7104038.Address: 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd.,Pasig City. (Lunes-Biyernes).