Dalawang Dagli
ISANG makipot na tulay ang dadaanan ng mag-ama. Mataas ang tulay at nasa ilalim nito ay mabatong ilog. Bago tumulay ay sinabihan ng ama ang kanyang dalagitang anak:
“Leslie, kumapit kang mabuti sa aking mga kamay.â€
“No, Daddy, ang kamay mo po ang ikapit mo sa akin.â€
“Naku, pareho lang yun anak…â€
“No Dad, its different. Kung ako ang nakahawak sa iyong kamay at nadulas ako, malaki ang tsansa na makabitaw ako sa iyo. Pero kung ikaw ang nakahawak sa aking kamay, may control ka sa akin kaya hindi kaagad ako babagsak.â€
*Leksiyon ito sa mga anak na matitigas ang ulo at ayaw sumunod sa payo ng mga magulang.
Pagkaraan ng maghapong paggawa ng honey ni Mr. HoneyÂbee, namalayan na lang niyang ninakaw ng isang lalaki ang honey na itinago niya sa kawayan. Sandali lang nalungkot ang masipag na honeybee at pagkatapos ay muli siyang gumawa ng panibagong honey. Nakita ng ibon ang lahat ng pangyayari.
“ Friend, hanga ako sa iyo. Binalewala mo lang ang ninakaw na honey sa iyo. Hindi ka ba naaasar?â€
“Hayaan ko na lang. Tutal honey lang naman ang ninakaw sa akin pero hindi ang sining ng paggawa ng honey.â€
*Magandang attitude para doon sa mga taong ninaÂnakawan/ginagaya ang kanyang ideya. Halimbawa, puwedeng gayahin ang concept ng Diklap pero hindi magagaya ang paraan ng aking pagkukuwento at istilo sa pagsusulat.
- Latest