^

Punto Mo

Lampong (228)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SINILIP na mabuti ni Dick ang dalawang lalaki na nasa salas habang kausap si Jinky. Ang isa ay pamilyar sa kanya. Ito ang kausap ni Jinky noong nakaraang gabi na ayon kay Tina ay kanang-kamay ng may-ari ng palaisdaan at kuhulan sa Bgy. Ningning. Ito ang nagsabi na ititigil na ang pagsusuplay ng kuhol dahil hindi pa nagbabayad si Jinky. Pero sinabi naman ni Tina na bayad na si Jinky at advanced pa nga ang payment.

Tiningnang mabuti ni Dick ang kasamang lalaki. Kamukha ito ng isang namayapang karakter actor. Malaking lalaki at maskulado ang panga­ngatawan.

Naisip ni Dick, hindi kaya ito ang lalaking may gusto kay Jinky. Ayon kay Tina, malaki ang gusto kay Jinky ng isang maykayang lalaki sa Bgy. Ning­ning. Baka ito na nga iyon. Sa tingin ni Dick ay  mukhang ma­lakas ang tama kay Jinky.

Nakita ni Dick na may ibinulong ang lalaki sa kanyang kanang kamay. Tumayo ang lalaki at lumabas. Naiwan ang lalaki at si Jinky. Nagsasalita ang lalaki.

Idinikit ni Dick ang taynga sa siwang ng pinto para marinig ang usapan. Kailangang marinig niya para makilala kung sino ang lalaki. Pero wala siyang masagap.

Iniawang pa nang bahagya ni Dick ang pinto. At saka pa lamang niya narinig ang usapan ng dalawa. Sa tingin niya ay nagkaka­ayos na ang dalawa. Parang binobola na.

“Lalo kang gumaganda Mam Jinky.”

“Hindi naman Pac.”

“Maganda ka. Maski pag­sama­-samahin ang mga babae dito sa Villareal, ikaw pa rin ang pinaka-maganda.”

Hindi sumagot si Jinky.

“Nasabi nga pala ng kanang-kamay ko na hindi ka pa raw bayad sa diniliber na kuhol…”

“Bayad na ako. Advanced pa nga ang bayad ko.’’

“Pero iyon ang sabi ng alalay ko. Hindi na magdidiliber dito ng kuhol sapagkat wala pang bayad.”

“Nagbayad na nga ako Pac.”

“May resibo ka ba katibayan, Mam Jinky?”

“Wala naman kayong iniisyu na receipt di ba?”

“Meron. Nagbabayad kami ng tax kaya may resibo kami. Gusto mo makita ang resibo namin. Teka lang at tatawagin ko si Momong…”

Tinawag si Momong. Lumapit si Momong.

“Bakit po Sir Pac?”

“Ipakita mo ang resibo natin kay Mam Jinky.”

May kinuha sa clutch bag si Momong. Mga resibo.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

BGY

DICK

JINKY

LALAKI

MAM JINKY

MOMONG

PERO

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with