^

Punto Mo

Karahasan sa halalan, dapat mabantayan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi pa man nagsisimula ang kampanya para sa mga local candidates para  sa   darating na halalan  sa Mayo, ramdam  na talaga ang init ng bakbakan sa pulitika.

Hindi lang basta balitaktakan ang nangyayari ngayon, aba’y wala pa man ang halalan ay may nagbubuwis na nang buhay.

Sa Masbate, dalawang insidente nang pagpaslang na kama­kailan lang ay naganap at  sinasabing konektado sa darating na halalan.

Hindi lang naman sa Masbate, may ilang lugar din na naitala na ang ganitong mga karahasan at hindi maiaalis na pagdudahan ang mga ito ay  may motibong politikal.

At ilan sa mga krimeng ito ay nangyayari sa ilang  lugar na sa mga nakalipas na eleksyon ay naitala na rin naging mainit ang naging labanan ng mga pulitiko.

Nagaganap ang ganitong mga karahasan  sa kabila nang umiiral na election gun ban.

Sa kabila nang pagmamalaki ng PNP na mahigit na sa isang libo ang nahuhuli nilang lumabag sa  ipinatutupad na election gun  ban at mahigit na rin sa 1,322 ang nasamsam nilang mga armas, nalulusutan at nalulusutan pa rin nga ng mga masasamang elemento na banta talaga sa peace and order sa bansa na patuloy pa ring pinangangambahan.

Enero 13 nagsimula ang  election period na dito rin sinimulang ipatupad ang  gun ban,  pero hindi rin maisasantabi ang mga naganap at nagaganap na krimen na konektado sa halalan.

Hindi maiaalis na mag-alala ang marami nating kababayan sa posibleng mga karahasan pang maganap na dapat ito ang matutukan ng mga awtoridad lalo na nga sa mga lugar na idineklarang hot spots ng Comelec.

vuukle comment

COMELEC

ENERO

MASBATE

NAGAGANAP

RIN

SA MASBATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with