Modus!
Hindi lang mga menor de edad, ngayon babae ang kadalasang ginagamit ng mga kawatan sa kanilang modus.
Holdap, robbery, droga at iba pang krimen.
Ginagamit ilang ‘front’ ang mga kababaihan sa dahilang hindi raw gaanong pinagdududahan ng kanilang mga target na biktimahin.
Sa huling insidente lamang ng mga holdap sa taxi, babae ang ginagawang ‘front’ na nagpapanggap na pasahero para tigilan ng mga taxi na kanilang hoholdapin.
Si Emilio Mercado taxi driver ng MV Acosta taxi ay pinapara ng isang babaeng nagkunwaring pasahero sa Sta. Cruz, Maynila. Pero pagparada ay biglang sumabay ang dalawa pang lalaki. Mula Sta Cruz, Maynila nakarating ang taxi ng biktima sa San Juan at doon na kinulimbat ang lahat ng pera nito kasama pa ang perang pampaospital sana sa asawa.
Sa Roughes Gallery ng mga holdaper ng San Juan police ay nakilala sa listahan ng mga kawatang suspect na nahuli ay nakilalang sina Eric Lacambra, Cardelle Ojeras, at ang babaeng front na si Cristina May Wales.
Syempre todo tanggi naman sa partisipasyon si Cristina bagamat inamin nito na hindi niya alam na holdap pala ang lakad ng dalawa niyang kasama at isa rito ay ka- live- in niya.
Pati sapatos ng taxi driver na si Emilio, kinuha pa rin at jacket kaya nakita pa ngang suot ng isang suspect ang kanyang jacket .
Marami na ang ganitong insidente ng holdap na gumagamit ng mga kababaihan, pati nga sa mga panloloob na ito ay maging babala rin sa ating mga kababayan.
May ilang insidente na may kakatok o magdo-doorbell sa inyong pintuan babae rin ang pino-front ng ganitong mga kawatan, siyempre pagbabae ang unang nasilip o nakita sa labas, medyo tiwala pero huwag agad-agad na inyong bubuksan ang inyong pintuan dahil pagbukas ninyo doon na susulpot ang mga kasamahan nitong kawatan.
Sa ilang insidente ng pagpapasok ng droga sa mga piitan, hindi nga bat karamihan eh mga babae rin ang natitimbog. Kung saan-saang parte ng katawan iniÂlalagay. Mahuli man ang mga ito hindi makukulong dahil nga menor ang bagsak lang kadalasan sa DSWD, pero hindi rin naman nagtatagal doon at nakakawala rin kaya balik din sa dating gawi.
Ang paggamit sa mga babae sinasabi naming hindi raw sitahin o pansinin kaya madali silang nakakapag-operate.
Hindi nga ba’t hindi rin malayo na maging ang mga senior citizen ay nagagamit na rin sa ganitong mga operasyon sa dahilan ring hindi na rin naman makukulong ang mga ito mahuli man ng mga awtoridad dahil sa katandaan.
Kaya nga ang dapat ay kaukulan na lamang pag-iingat ng ating mga kababayan at ang mahigpit din naming pagbabantay ng ating mga awtoridad. Dahil talagang kug anu-ano na lang ang naiisip na modus ng mga kawatan dapat ito ang ating mahigpit na mabantayan at maagapan.
- Latest