ANG magandang pagkakataon, malingat ka lamang may susunggab na iba, kahit hindi mo na ialok pa.
Ganito marahil ang pinagbatayan ng suspetsa ni Priscilla S. Cabunoc—56 na taong gulang nung magsampa siya ng reklaÂmong pagnanakaw sa baranggay laban sa kanyang “boarder†sa 10th Ave. Murphy, Cubao, Quezon City. Ang kanyang tinutukoy ay si Rejoice Elijay—28 na taong gulang at isang “call center agent†sa Quezon City. Inilapit ni Rejoice sa aming tanggapan ang tungkol sa kasong ito dahil ayon sa kanya ay walang katotohanan ang paratang na ito. Ayon sa salaysay ni Priscilla sa tanggapan ng baranggay, Enero 23, 2013 noon ng umaga, siya’y bumaba upang maligo sa kanilang banyo, ito’y malapit sa kwarto ni Rejoice at ng tiyahing si Malou Eguia. Nung makapasok na sa banyo, nasilip umano ni Priscilla na pumanhik ng kanyang kwarto si Rejoice. Hindi na lang niya sinita si Rejoice sa pag-iisip na may kailangan lang sa kanya ito. Salaysay pa ni Priscilla sa kanyang baranggay blotter na “tila may hinahanap†daw si Rejoice sa kanyang kwarto.
Matapos ang kanyang paliligo, doon na raw niya natuklasang nawawala na ang isang “set†ng alahas nitong nagkakahalagang animnapung libong piso(60,000Php). Kwento naman sa amin ni Rejoice, nagpaalam siya kay Priscilla bago pumanhik dahil hihiramin niya ang charger ng cellphone. “Natural maghahanap ako sa mga gamit niya, dahil hihiram nga ako ng charger,†sabi ni Rejoice. Sa pagkakaalala ni Rejoice sa petsang ito, natapos naman umano ang maghapon na hindi siya kinukumpronta nitong si Priscilla tungkol sa ano mang bagay, higit sa lahat tungkol sa nawawalang alahas at gamit. Pebrero 2, pagkaraan ng sampung araw ay nabigla na lamang si Rejoice nang makatanggap siya ng patawag mula sa baranggay. Hindi makapaniwala si Rejoice nung malaman na sa kanya ibinibintang ni Priscilla ang nawawalang alahas daw nito. Kwento ni Rejoice mariin na ipinupunto ni Priscilla na siya lamang ang tanging malayang nakakapasok sa kanyang kwarto at walang ibang posibleng maging suspek sa pagkawala nito kung hindi si Rejoice. Nais ni Rejoice na malaman kung anong legal na aksyon ang kanyang magagawa kapag napatunayan niyang kasinungalingan ang ibinibintang sa kanya ng dati niyang landlady.
“Kahihiyan po ang inaabot ko sa babae na ’yan. Kalat na kalat po sa compound namin yung nangyari. Hindi pa po napapatunayang ako ang kumuha, parang hinusgahan na po nila agad ako,†hinaing ni Rejoice.
Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “HustisÂya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang kwentong ito ni Rejoice. SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, may mga puntos ang mga sinasabi nitong si Rejoice, unang-una hindi naman siya naaktuhang kinukuha niya ang nawawalang alahas. Pangalawa, kung ikaw ba ay may alahas, hindi mo ito maingat na itatago sa isang lugar na hindi madaling mabuksan? Kung totoo ngang isang buong maghapon at hindi niya nasita itong si Rejoice at sampung araw pa ang dumaan bago pa magkabarangayan, yung panahon na lumipas ang maaring magpahina sa kanyang alegasyon na si Rejoice nga ang kumuha ng gamit. Kung hindi siya tiwala sa katauhan ni Rejoice, bakit hindi niya pinagsabihan ito na antayin siyang matapos ng kanyang paliligo bago ito kumuha ng anumang bagay sa kanyang kwarto? Nung sandaling nakita niyang pumapanhik na si Rejoice, napakadaling sigawan niya ito at sabihan na hintayin siya o kaya’y sitahin ito. Tahas ang pagtanggi ni Rejoice sa bintang na ito at hindi siya sanay sa mga ganitong uri ng gulo kaya’t kumonsulta siya sa aming tanggapan sa maari niyang gawin.
Sa pakiramdam ni Rejoice, siya’y nainsulto at nagdulot ang pangyayaring ito ng matinding pinsala sa kanyang reputasyon, integÂridad at pagkatao. Maari rin siyang magsampa ng reklamo sa barangay para mabigyan siya ng “certificate to file actionâ€. Ilagay niya sa isang sinumpaang salaysay ang kanyang reklamo at isumite niya sa prosecutor’s office. Maari siyang magsampa ng “oral defamation†(“slanderâ€), “machination†o ang ginawang pagtatagni-tagni ng kwento, at “unjust vexation†o pang-aasar. Timbangin din niya, kung magrereklamo talaga ang kabila dahil maari siyang sampahan ng kasong “qualified theft†dahil sa mga nawalang alahas. Ang tanong, may nakakita ba talaga na siya ang kumuha o isa lamang itong haka-haka o ispekulasyon na hindi tatayo sa korte? Sa ilalim ng Art. 310 ng Revised Penal Code papasok ito sa kasong “qualified theft†kung makitang mayroong “grave abuse of confidenceâ€, dahil sa sinamantala ni Rejoice ang ‘pagtitiwala’ ni Priscilla sa kanya bilang kaibigan at kasama sa bahay. Sa puntong ito, para guluhin ni Rejoice ang kanyang sarili sa kakaisip, hindi pa ito ang tamang panahon, wala pa namang sinasampang kaso kaya’t wala pang dahilan para mangamba.
Kapag dumating ang panahon na ituloy nga ni Priscilla ang kanyang reklamo, ipinangako namin kay Rejoice na handa kaming tuÂmulong sa kanya. Unang-una na, dahil sinabi niyang wala siyang kaÂsalanan. (KINALAP NI PAULINE VENTURA)
Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784393. Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari rin kayo magÂpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.