Kakaibang rituals ng bagong kasal (2)

PINAPALO NG ISDA ANG GROOM PARA MAGING­ MALAKAS SA HONEYMOON — Sa South Korea ay may kakaibang rituals na ginagawa sa groom, pagkaraan ng wedding ceremony. Pinapalo ng tuyong isda ang talampakan ng lalaki para raw maging malakas at matibay ang lalaki sa unang gabi.

Pagkatapos ng seremonya, agad lalapitan ng mga kaibigan ang groom at aalisin ang medyas nito. Tatalian ang mga paa nito at saka papaluin nang papaluin ng isda na tinatawag na Yellow Corvina. Ang Yellow Corvina ay kailangang tuyo.

Epektibo umano ang rituals sapagkat matatag ang lalaki sa unang gabi. (www.oddee.com)

 

Show comments