^

Punto Mo

Palaboy na, nagbibisyo pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi pa rin talaga masupil  ang nagkalat na rugby boys sa maraming lugar partikular sa Metro Manila.

Madalas namang mag-operate ang mga pulis  at maging ang MMDA, pero parang hindi  maubos o mabawasan man lang sa lansangan ang mga ito.

Parami nang parami ang mga palaboy na may bisyo  at ang lalung nakakaalarma rito eh, pabata nang pabata ang makikita mong nagsisisinghot ng rugby na nakabalot sa plastic.

Hindi nga lang kasi matiyak kung yung mga dinadakip  eh kung saan dinadala o kung saan kinokustodya.

Kapag kasi nga ganitong mga menor de edad na nahuhuli, alam naman natin na dinadala ang mga ito sa DSWD.

Ano ba ang pwedeng gawin ng pamahalaan sa mga batang ito, na sa kalsada na nagsisilaki at dito na natututo ng ibat-ibang bisyo.

Sa mga murang edad pa lang ng mga ito, ang ilan ay nadadawit na sa mga ilegal na aktibidades.  Hindi na marahil nagagabayan ng magulang, eh kulang pa sa pansin sa pamahalaan.

Pinagsasamantalahan ang kawalang gabay ng mga ito ng ilan pang grupo o sindikato.

Hindi nga ba’t, naalarma na rin ang PNP dahil sa pagtaas

ng mga krimeng kinasasangkutan ng mga menor-de-edad.

Nakakatakot kasi na madalas kapag bangag na sa kasisinghot  ng rugby ang mga ito doon na nagsisimulang mamerwisyo.

Nasasangkot na sa hol­dapan, snatching at iba-iba pang krimen.

Dapat talaga itong matu­tukan nang husto ng pamahalaan dahil ang mga ito ang malamang na maging ma­tinding problema ng bayan sa mga darating na araw.

 

ANO

DAPAT

KAPAG

MADALAS

METRO MANILA

NAKAKATAKOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with