^

Punto Mo

Editoryal - Nawawalan nang pag-asa

Pang-masa

DALAWANG taon na ang nakalilipas mula nang barilin ang broadcaster na si Dr. Gerry Ortega sa Puerto Princesa City, Palawan. Pero hanggang ngayon, wala pang nakakamit na hustisya ang kanyang mga mahal sa buhay. Ang mga “utak” ng pagpatay ay nakalabas na umano ng bansa. Dalawa naman sa mga witness ang namatay (o pinatay) sa kulungan. Hanggang kailan maghihintay para maisilbi ang hustisya? Sabi ng biyuda ni Doc Ortega, nawawalan na siya ng pag-asa. Nagsalita si Mrs. Patria Gloria Ortega sa 8th national congress ng National Union of Journalists of the Philippines sa Los Baños, Laguna noong Sabado. Ayon kay Mrs. Ortega, walang ginagawa ang gobyerno para mahuli ang mga “utak” ng pagpatay. Wala raw tracking team para matunton ang kinaroroonan ng mga utak na nakalabas ng bansa gamit ang pekeng passport. Nakadarama raw siya ng kabiguan sa sistema ng justice system sa bansa.

Hindi lamang si Mrs. Ortega ang nakadarama ng ganito. Marami pang pinagkaitan ng hustisya. Maraming mamamahayag pa ang pinatay na hanggang ngayon ay uhaw na uhaw sa hustisya. Ang Maguindanao massacre ay isang halimbawa. Sa 52 pinatay, 30 ang mamamahayag. Hanggang ngayon usad pagong ang paglilitis. Hindi alam ng mga kaanak ng biktima kung kailan makakamtan ang hustisya. Marami sa kanila ang nawawalan na rin ng tiwala sa sistema ng katarungan sa bansa.

Kamakailan, sinabi ni President Aquino na pabibi­lisin ang paglilitis sa mga hukuman. Nangako rin siya na pabibilisin ang pag-imbestiga sa extrajudicial killings­. Umaabot na sa 129 ang mga biktima ng extrajudicial killings at 14 sa mga ito ay mga mamamahayag.

Tuparin ng Aquino administration ang pangako sa mga nauuhaw sa hustisya. Huwag hayaang mawalan sila ng pag-asa.

 

ANG MAGUINDANAO

DOC ORTEGA

DR. GERRY ORTEGA

HANGGANG

LOS BA

MARAMI

MRS. ORTEGA

MRS. PATRIA GLORIA ORTEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with