^

Punto Mo

Sunog!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi pa man pumapasok ang buwan ng Marso kung saan itinalaga itong “Fire Prevention Month”, aba’y sunud-sunod na sunog na ang naitala lalu na sa Metro Manila.

Milyung halaga ng mga ari-arian ang natupok at ilang buhay na rin ang nawala dahil dito.

Madalas na nagiging sanhi ng sunog ay dahil sa kapabayaan mismo ng mga pinagmumulan ng sunog. Siyempre pa damay ang mga katabi nitong bahay o mga establisimento.

Ilang insidente dito ay dahil sa pinaglaruang kandila ng mga bata na napabayaan ng kanilang mga magulang.

Ilan naman ay dahil sa napabayaang mga kasangkapan tulad ng kalan at mga nakasaksak na kuryente.

May kasabihan ngang hindi bale nang manakawan huwag lang masunugan. Ibig lang sabihin nito kung hindi man mala-king halaga ng kabuhayan at madalas pa nga ay wala nang naisasalba at ang masakit nagiging dahilan pa rin ito nang pagkawala ng buhay.

Sa pagpasok ng dry season mas inaasahan ang pagtaas ng mga insidente ng sunog na pwede namang maiwasan maging maingat lamang ang bawat isa.

Ngayon pa lamang may mga babala nang ibinibigay ang mga kinauukulan para kundi man talaga maiwasan ay mabawasan man lang ang ganitong mga insidente.

 Dapat mailayo sa mga bata ang mga maaaring pagsimulan ng sunog tulad ng mga posporo at lighter, laging tsekin ang mga tangke ng gas at mga plug ng kuryente malaking bagay ito para makaiwas sa trahedya ng sunog.

Hindi dapat balewalain ang mga babala at mga paalala nang pag-iingat na ibinibigay, ito ay para na rin sa kaligtasan ng bawat isa.

DAPAT

FIRE PREVENTION MONTH

IBIG

ILAN

ILANG

MADALAS

METRO MANILA

MILYUNG

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with