‘Drug raid sa Biñan, Laguna’

PANOORIN mamayang gabi ang aktuwal at maaksiyong drug raid operation  ng mga operatiba sa Philippine Drug Enforcement Agency kasama ang grupo ng BITAG sa Laguna. Nagsama-sama ang mahigit 200 agents ng PDEA upang lusubin ang kilalang bagsakan ng droga sa Bgy. Canlalay, Biñan, Laguna. Matagal nang nasa listahan ng PDEA ang Brgy. Canlalay dahil sa hindi mawakasang bentahan at paggamit ng droga dito.

Bagamat makailang ulit nang nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang lugar, makalipas ang ilang araw, business as usual na muli ang mga tulak at lulong sa droga. Napag-alaman din ng BITAG na dinarayo pa at bumababa ang mga durugistang taga-ibang bayan upang kumuha lamang ng droga mula sa mga residente ng Bgy. Canlalay.

Dahil karamihan sa mga nakatira rito ay mga walang trabaho, ginawa nang hanapbuhay ng mga residente ang pagbebenta ng droga upang kumita. Magkakadikit at pawang dingding lang ang pagitan ng mga bahay na nagsisilbi na ring drug den ng mga durugista sa target area. Pakulo pa ng mga kolokoy sa lugar na ito ang “Tira Now, Pay Later!” upang lalong maengganyo ang kanilang mga suki at parukyano sa pagbili at paggamit ng droga.

Isinama ng PDEA ang grupo ng BITAG upang ekslusibong mai-dokumentaryo ang malaking drug raid operation na ikakasa sa Bgy. Canlalay. Maingat na nagplano ang PDEA Special Enforcement Service, PDEA Region 4A at 200 agents mula sa PDEA Academy para sa isasagawang operasyon.

Sa sanib-pwersang paglusob ng mga taga-PDEA at BITAG sa target na lokasyon, animo’y mga bubwit na nagsitakbuhan ang mga durugista upang matakasan ang mga operatiba. Pag­dating sa bahay ng mga suspek na sina Joseph Magbou, Bernadette Lanzaga, at Analyn Guina alyas “Nene” positibong nakuha ang ilang sachet ng droga at drug pharapernalia.

Mapapanood ang buong dokumentasyon ng ikinasang operasyon ng PDEA SES, PDEA Region 4A, at mga ahente ng PDEA Academy ngayong Sabado ng gabi sa PTV Channel 4, mula 9:15 ng gabi hanggang 10:00 ng gabi.

Mas maaga namang mapapanood ang Pinoy U.S. Cops, Ride Along tuwing Sabado bago mag-Philippine Lotto Draw, mula 8:30 ng gabi hanggang 9:00 ng gabi sa PTV Channel 4.

Huwag ding kaligtaang subaybayan ang BITAG Live araw-araw na sabay mapapakinggan at mapapanood sa bago nitong tahanan sa Aksiyon TV Channel 41 at Radyo 5 92.3fm, araw-araw, 10:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga.

Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa bahalasitulfo@hotmail.com o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing araw ng Miyerkules, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Show comments