…hindi magiging mabuting maybahay ang iyong girlfriend:
1. Hindi pa man ay inilalayo ka na niya sa iyong pamilya. Nagsasakit-sakitan kapag nalamang may importante kayong lakad na magkakapamilya. Ano pa ang puwede niyang gawing kaartehan kapag misis mo na siya?
2. Nawawala sa eksena kapag marami kang problema. Kung girlfriend pa lang ay wala nang malasakit sa iyo, paano pa kung magkaroon kayo ng sandamakmak na problema kapag mag-asawa na?
3. Magulong kausap at laging nagpapakita ng mga hindi maintindihang ugali. Ang pruweba, lagi siyang nakikipag-away sa mga taong nakapaligid sa kanya.
4. Laging nakadikit sa iyo: Hind mabilang na tawag at text ang natatanggap mo sa kanya per day. Hindi na thoughtfulness ang tawag doon kundi kinokontrol ka na.
5. Hindi niya maayos ang sarili niyang buhay—maraming utang, hindi nagtatagal sa kanyang trabaho, hindi niya alam ang gusto niya sa buhay. Favorite expression ang : Hinahanap ko ang aking sarili.
6. Laging siya ang “magaling†at tama kapag may pinagdidiskusyunan kayo. Hindi siya titigil hangga’t hindi ka nag-a-agree sa kanyang katwiran.
7. Minsan na siyang nagtaksil sa iyo. Oo ang isang tao ay maaaring matuto at magbago ngunit ang taksil na girlfriend ay malaki ang tsansa na magtaksil pa rin kahit na may-asawa na.
8. Napakaselosa.
9. Wild siya pagdating sa kama at hindi ka makasabay sa lakas ng kanyang “libidoâ€.
10. Hindi siya marunong umamin ng pagkakamali.
Isang malapit sa akin ang nagkaroon ng girlfriend na ang ugali ay nagmama-match sa mga binanggit sa itaas (7 out 10) including ang pangangaliwa. Ngunit sa kabila noon ay pinakasalan pa rin niya ang girlfriend kahit ang kanyang buong pamilya ay walang kagana-gana sa babae. Namatay ang lalaki na pulos pagdurusa ang naranasan sa piling ng kanyang maybahay. Yes, nangaliwa ang babae pagkatapos silang ikasal.