^

Punto Mo

Lampong (209)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SINUNDAN ni Dick si Jinky. Hindi siya gaanong dumidikit sa­pagkat baka makahalata ito. Dahan-dahan lang siya pero hindi hinihiwalayan ng tingin si Jinky.

Tumawid ng isang sapa si Jinky. Tulay na kawayan ang tinawiran nito. Talaga palang hindi na makakaabot dito ang traysikel sapagkat may sapa. Nagulat si Dick nang makatawid ng sapa sapagkat ang nakita niya ay malawak na katubigan. Mga pitak iyon na parang taniman ng palay pero mga damo lang ang naroon. Sa pinakagitna nang malawak na katubigan ay nakita ni Dick ang isang konkretong bahay. Tanaw agad sa malayo ang bahay sapagkat parang itinumpok sa gitna ng katubigan. Sadyang nilagyan ng daan na kasya ang sasakyan. Magandang tanawin sa malayo. Sa pali­gid ay makikita ang maraming tanim na kawayan. Berdeng-berde ang kapaligiran. May mga puno rin ng manggang kalabaw.

Patuloy sa pagsunod si Dick kay Jinky. At lalo pa siyang nagulat nang makalapit sa lugar. Napagmasdan niya ang maraming itik na nasa mga pinitak at nanginginain doon. Sa sobrang dami ng mga itik na nasa gitna ng pinitak na may tubig ay nagkulay brown at itim iyon.

Mas lalong nagtaka si Dick nang makita na ang mga nangangalaga sa itik ay pawang mga babae. May nagbabantay sa mga itik para hindi tumawid sa kabilang pinitak. May mga babae na may dalang basket na may lamang itlog.

Mayroong itikan si Jinky? Napakalaki ng itikan na ito. Tiyak na ma­raming itlog ang nakukuha.

Asensado na kung ganoon si Jinky.

Nakita niya na pumasok si Jinky sa loob ng bahay.

Iniisip ni Dick kung ano ang mga susunod niyang­ hakbang. Ngayong nalaman­ na niya kung saan nakatira si Jinky, hindi na mahirap ang mga susunod pa.

(Itutuloy)

ASENSADO

BERDENG

DAHAN

DICK

INIISIP

ITUTULOY

JINKY

MAGANDANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with