Editoryal- Baklasin, illegal campaign materials
KAPAG ipinatupad ng Commission on Elections (Comelec) ang nakasaad sa Fair Election Act kaÂugnay sa paglalagay o pagkakabit ng campaign materials sa mga lugar na bawal, tiyak na maÂraming tatamaan. Sa dami nang mga lumalabag, wala nang makakatakbo sa May 2013 elections. Kaya nakaÂpagdududa kung ilalarga ng Comelec ang kanilang mga “latigo†para hagupitin ang mga pasaway na kandidato.
Hindi lamang sa pagdidikit, pagsasabit at pagpintura sa pader tatamaan ang mga kandidato kundi pati na rin sa sukat ng poster o streamers na kanilang ibinabandera. Maraming lumalabag at habang papalapit ang election, mas lalo pang nagiging pasaway ang mga kandidato. Kayang-kaya nilang baliin ang itinatadhana ng batas ukol sa pagkakabit ng campaign materials. Hindi sila natatakot sa Comelec. Siguro’y dahil nakikita nilang “malambot†ang Comelec sa pagpapatupad ng batas.
Maraming bayan at lungsod sa Metro Manila ang namumutiktik sa campaign posters. Ang matindi pati na ang mga cable wires o telephone wires ay sinaÂsabitan nila ng streamers. Delikado ang mga nakasabit na streamers sapagkat may pabigat na bato na maaaring bumagsak at tumama sa mga nagdaraang sasakyan o pedestrians. Ang ilang campaign materials ay sa mismong traffic light pa inilalagay dahilan para hindi makita ng drivers ang signal light.
Hindi rin naman pinatatawad ng mga kandidato ang mga punongkahoy na nasa gilid ng daan. IpinaÂpako o itinatali sa sanga ang streamers. Napaka-pangit tingnan ang streamers na nasa puno. Napakaruming tingnan ng kapaligiran sa mga nagsabit at nagbitin na campaigner posters at streamers.
Kung hindi kaya ng Comelec na maipatupad ang batas, hayaan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na bumaklas sa illegal campaign materials. Sila na lamang ang pag-asa para matanggal ang mga basurang sinabit ng mga walang pakialam na kandidato.
- Latest