NANG batikusin si Comelec chairman Sixto Brillantes sa palpak na “mock elections†noong Sabado, napikon siya at agad na naghamon sa mga bumabatikos na magbalik na lang sa mano-manong election. Sabi ni Brillantes, hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng aberya sa “mock elections†pero iyon ay minor glitches lamang. Madali raw maisasaayos ang mga nakitang problema.
Siguro’y hindi lamang napigilan ni Chairman Brillantes ang mapikon sapagkat marami silang inaÂayos na problema. Nasa 95 araw na lamang ang nalaÂlabi at election na. Sandali na lamang at maghahalal na naman ng mga bagong senador, representatives, governor, vice governor, mayor, vice mayor, at iba pa.
Ang paghahamon ni Brillantes na magbalik na lamang sa mano-manong election ay hindi nararapat. Kung babalik sa mano-mano, tiyak na magkakaroon na naman ng grabeng dayaan. Mas madaling dayain ang dating sistema kumpara sa automated. Mas madaling agawin ang mga ballot boxes. Sa automated, naita-transmit agad ang resulta at madaling malaman kung sino ang nanalong kandidato.
Maraming kandidato ang hindi papabor sa sinabi ni Brillantes na magbalik sa mano-manong elections. Babalik pa ba sa lumang estilo sa panahon ngayon na high tech na ang lahat ng kasangkapaan. Hindi na ’toy! Nasubukan na ang automated noong 2010 at maayos naman ang resulta. Magsagawa na lamang ng pag-testing sa mga PCOS machines para maiwasan ang pagkakamali.