5—Mas nakakatuwang laruin ang Transformer toys kaysa manika. Ang manika ganoon lang, nakatitig ka dito, kaunting karga-karga, suklay-suklay ng buhok. Bigla, naging boring na sa akin ang manika bilang laruan. Ang transformer, magiging abala ka sa pagkakalas ng mga parts nito upang ang truck ay ma-transform sa robot.
6—Mas mabilis magdesisyon ang mga lalaki kung ano ang gusto nilang bilhin kapag nagsi-shopping. Sa loob ng isa hanggang dalawang oras ay nakabili na sila ng isang t-shirt at pantalon. Kasi bago mag-shopping, may ideya na sila kung anong porma ang gusto nila.
7—Praktikal ang prinsipyo nila tungkol sa romantic love. Huwag ipilit ang sarili kung ayaw na ng babae sa kanila. At never silang nakipagbalikan sa babaeng unang nagdesisyong makipag-break sa kanila. Yes, ganoon katibay ang desisyon kahit pa after several months at ma-realize ng babae na nagkamali siya at nagpaparamdam na gusto nitong makipagbalikan.
8—Isa pang prinsipyo sa romantic love: Sa pag-aasawa, mas mainam na mayaman ang lalaki kasi sila raw ang magdadala ng pamilya. At saka para okey lang kung sakaling mahirap ang mapangasawa nila. Kaya magpapayaman daw muna sila bago mag-asawa.
9—Hindi dapat pagkumparahin ang dalawang anak na lalaki dahil magkaiba ang uri ng kanilang talino sa magkaibang laranganÂ. Ang magandang bunga nito, walang sibling rivalry na namamagitan sa kanila dahil feel nila, pareho akong bilib sa kanilang dalawa.
10—Boys love their mothers. Girls love their fathers. Ang aking pamangking lalaki ay maka-ina. Ang aking mga anak ay maka-ina. Ang dalawang anak na babae ng aking mga kapatid ay maka-ama. Kaming magkakapatid ay maka-ama. Ewan ko lang sa iba.