^

Punto Mo

Editoryal - Peligrosong streamers ng mga kandidato

Pang-masa

PARAMI nang parami ang mga nakasabit o naka­bitin na streamers ng mga kandidato. At habang dumadami, palaki rin nang palaki ang posibilidad na makadisgrasya ang mga ito. Dapat umpisahan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagbaklas sa mga peligroso at delikadong streamers ng mga kandidato. Hindi lang sa mga poste ng Meralco nagkakabit ng streamers kundi pati na rin sa mga linya ng cable na nakayungyong sa kalye.

Delikado  at peligroso ang streamers sa motorista at pedestrians. Karaniwang ang mga streamers na nakasabit sa cable lines ay may pabigat na bato o makapal na tabla. Itinatali ang bato at tabla sa magkabilang dulo ng streamer para hindi ito liparin ng hangin. Pero magdudulot ito ng aksidente kapag ang bato ay humulagpos sa pagkakatali. Babagsak at swak sa ulo o nagdadaang sasakyan. May mga insidente nang nareport na bumagsak ang bato sa windshield ng sasakyan. Nabasag ang salamin ng sasakyan dahil malaki ang batong bumagsak. Mabuti na lang at walang tinamaang tao pero nagdulot ng pagtatrapik sa lugar.

Halos lahat nang mga siyudad sa Metro Manila ay namumutiktik na sa dami ng streamers at posters. Ayon sa report, pinaka-marami ang Quezon City sa nagbitin o nagsabit na streamers sa mga linya ng telepono o cable. Halos lahat ng mga kandidato sa QC ay walang pakundangan sa paglalagay ng streamers. Mayroon pang sa pader na mismo derektang idinodrowing ang pangalan ng kandidato at makulay na makulay pa ang mga ito. Para marahil madaling makita ng mga nagdaraan.

Kilos na MMDA, huwag nang paramihin pa ang mga delikado at peligrosong streamers ng kandidato. Baklasin na ang mga ito bago pa may mangyaring hindi maganda sa motorista at mamamayan mismo.

 

AYON

BABAGSAK

BAKLASIN

DAPAT

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

STREAMERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with