^

Punto Mo

Lalaking nakasakay sa camel tiniketan ng mga pulis dahil nag-create nang grabeng trapik

- Arnel Medina - Pang-masa

GRABENG trapik ng araw na iyon sa Park Avenue cor. Main Street, Park City, Utah. Hindi naman dati ganoon kaya ma­raming motorista ang nabanas at yamot na yamot.

Hanggang sa malaman nila ang dahilan ng trapik. Isang lalaki na nagngangalang Jason Andreotti ang nakasakay sa camel at namumudmod ng leaflets ang nasa gitna ng kalsada. Ang lalaki ay nagpo-promote ng kanyang ginawang film. Hindi umano na-qualify ang film ng lalaki na isasali sana niya sa Sundance Film Festival sa siyudad.

Dahil sa ginawa ng lalaki, hinuli siya ng mga pulis at kinasuhan ng traffic obstruction. Tiniketan siya ng mga pulis. Ayon sa mga pulis, mahigpit na pinagbabawal sa kalsadang iyon ang camel. May batas daw ukol doon na ginawa pa noong 1875. Bawal ang camel doon.

Nangatwiran si Jason na hindi niya alam na bawal doon ang camel. At saka wala raw siyang nakita sa Utah Statutes na bawal ang camel doon.

Napailing-iling lang ang mga pulis. Itinuloy nila ang kaso kay Jason­. Ang paggambala sa daloy ng trapiko sa Utah ay illegal.

vuukle comment

AYON

BAWAL

DAHIL

JASON ANDREOTTI

MAIN STREET

PARK AVENUE

PARK CITY

SUNDANCE FILM FESTIVAL

UTAH STATUTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with