^

Punto Mo

Trivia ng Sto. Niño

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

NAGTUNGO ako sa Cebu noong weekend para saksihan ang pinakamalaki at pinaka-engrandeng piyesta sa Pilipinas --- ang Sinulog Festival! Kapag sinabing piyesta, hindi mawawala sa listahan ang Sinulog at ang Masskara ng Bacolod.

Narito ang ilang trivia na napulot ko habang nasa Cebu:

• Ang pinakaunang estatwa ng Sto. Niño sa Pilipinas ay ibinigay ni Magellan kay Raja Humabon at asawa niyang si Humamay. Ito ang naging pangunahing santo noong binyagan si Humamay bilang Juana at Humabon bilang Carlos.

• Ang Datu ng Limasawa ang nagturo kay Magellan ng Butuan o Sugbo bilang mga lugar na maaaring pagkunan ng pagkain, tirahan  at kayamanan. Ang Sugbo, kung saan unang dumako si Magellan noong 1521, ay kilala ngayon bilang Cebu.

• Ang kauna-unahang milagro ng Sto. Niño ay nang manatili itong buo matapos malampasan ang pagsira sa Sugbo. Ang nakadiskubre sa Sto. Niño ay si Juan de Camus sa loob ng isang kahon sa loob ng isang nasunog na bahay. Apatnapu’t apat na taon na hindi nakita ang imahe ng Sto. Niño matapos mapatay ni Lapu-Lapu si Magellan.

• Nararapat na Abril ang pista ng Sto. Niño dahil alinsunod sa petsa ng binyag ni Juana ngunit dahil tatama ito sa Mahal na Araw, minarapat ng mga Papa na gawin itong Enero.

• Ang salitang Sinulog ay nagmula sa salitang sulog o alon ng tubig. Kaya naman ang dance step nito ay paabante at paatras.

• Ang sayaw ng Sinulog ay hindi lamang tuwing piyesta. Mayroong mga kababaihan sa labas ng Santo Niño Basilica ang nagdarasal at nagsasayaw nito. Ang tawag dito ay padasal at pasayaw.

• Bagamat ang Sinulog ay pista ng Sto. Niño, hindi ito ang kanilang patron kundi ang Lady of Guadalupe na nagsimula noong 2002.

• Apat na dekada matapos mapatay si Magellan, ang sumunod na naglayag patungong Cebu ay ang grupo ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565.

• Ang pinakaunang pormal na parada ng Sinulog Dance ay ginanap noong 1980. Dahil doon, naisipan ng mga Cebuano na gawing malaking piyesta ang Sinulog.

ANG DATU

ANG SUGBO

CEBU

HUMAMAY

JUANA

SINULOG

STO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with