Operasyon o injection: solusyon sa carpal tunnel syndrome? (Part 2)

ANG mistulang tunnel sa pagitan ng ating braso at kamay ang kinalalagyan ng tinatawag na “carpal tunnel.” Dito sa tunnel na ito nakikiraan ang ilang ugat (nerves) na nagmula sa braso patungo sa kamay. Kapag naipit ng namamagang tissues ang nerve na ito (ang median nerve), makakaramdam na ng pamamanhid at pangingirot sa apektadong daliri: hinlalaki, hintuturo, panggitnang daliri at bahagi ng palasingsingan.

Ganito ang nangyari sa isa kong co-intern noong ako’y nagro-rotate pa lang sa ospital. Nangyari kasing kailangang i-ambubag ang isang pasyenteng nahihirapang huminga (dito ay may pinipisil siyang parang gomang balloon na nagpapasok ng maraming oxygen diretso sa baga).

Makina ang dapat gumagawa nito. Pero nang masira ng makina, pansamantalang tao ang kailangang gumawa nito. Paulit-ulit at medyo matagalan ang ginawang matinding pagpiga sa instrumentong ambubag kung kaya’t basta na lamang namanhid at nangirot ang kaniyang mga kamay at daliri.

Delikado ba ang carpal tunnel syndrome?

Kung hindi aagapan at gagamutin, delikado ito. Posible kasing­ mauwi sa pagkakaroon ng permanenteng pinsala sa nerves at muscles kung walang magaganap na gamutan.

Sa tamang gamutan, hindi lang ang pamamanhid at pangi­ngirot ang mareremedyuhan. Makaiiwas din ang pasyente sa pagkakaroon ng permanenteng damage sa nerves at muscles.

(Itutuloy)

 

Show comments