^

Punto Mo

Lampong(178)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAANO mabubuntis si Puri e ang alam ni Dick, siya ang unang lalaking “nakauna” rito. Naguluhan si Dick sa pinagtapat ni Jinky na nabuntis si Puri.

“Totoo ba ang sinasabi mo, Jinky?”

“Tito Dick ano naman ang mapapala ko kung magsasabi ako ng mga kasinungalingan kay Tita Puri?”

“Siyempre galit ka sa kanya.’’

“Hindi ako ganoon, Tito. Kapag galit ako, hindi ako gumagawa ng mga kasinungalingan. Kaya ko ito sinasabi ay para malaman mo ang mga lihim ni Tita na kaming dalawa lamang ang nakaaalam. Ano pa ang dahilan para hindi mo malaman e bistado mo na ang pagkatao niya. Nahubaran na siya kaya ano pa ang dahilan para hindi mo makita ang kaloob-looban…’’

Nakatingin si Dick kay Jinky. Seryoso ito. Tila nga nagbago na ang ba­baing ito. Mukhang matino na nga. Sinusunod na nga siguro ang payo ng ina.

“Pero parang hindi ako makapaniwala, Jinky na nabuntis na si Puri. Ang alam ko ako ang nakauna sa kanya. First time niya sa pakikipagtalik…’’

Napangiti si Jinky.

“Nalinlang ka Tito. Na­buntis na nga siya at ipinalaglag ang sanggol.’’

“Pero sino ang lalaki?”

Napabuntunghininga si Jinky.

“Boss niya sa da­ting kompanya. First job niya.’’

“Paano mo nalaman na boss nga niya ang nakabuntis?”

“Nakita ko.”

“Paanong nakita?”

“Naabot ko sila rito nagtatalik. Dito sa sopa na ito.’’

Hindi makapagsalita si Dick.

“Maraming beses ko silang nahuli.”

“Alam ni Puri na nakita mo?”

“Oo.”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALAM

ANO

DITO

JINKY

PERO

TITA PURI

TITO

TITO DICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with