^

Punto Mo

Weh, totoo? Huwattt? Chocolate, pampagaling ng ubo?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

KUNG may super hero, may super food—ang dark chocolate. Kasi masarap na, ang dami pang benefits na naidudulot nito sa ating katawan—nagpapalakas ng brain power, nagpapababa ng tsansang ma-stroke, magkaroon ng sakit sa puso, at alta presyon. Ang bago at masarap na isyu ngayon sa chocolate ay nakapagpapagaling na raw ito ng ubo. Ayon sa mga researchers mula sa University of Hull, Yorkshire United Kingdom, ang chocolate ay may natural cough suppressant.

Matapos obserbahan ang 300 pasyente na may malalang ubo, nadiskubre ng mga scientists ng Hull Cough Clinic na 60 percent sa mga ito ay gumaling matapos painumin ng theobromine. Ang mga pasyente ay binigyan ng 1,000 mg ng theobromine na equivalent ng 2 ounces unsweetened dark chocolate or 16 ounces ng milk chocolate. Ang theobromine ay isang natural na sustansiyang nakukuha sa cocoa.

Ang findings ng Hull Cough Clinic ay tumutugma sa latest findings ng  National Heart and Lung Institute (NHLI) ng London. Ang natuklasan ng NHLI kamakailan lang ay mas effective ang theobromine na pantanggal ng ubo kaysa codeine, ang pangkaraniwang ingredient ng cough medicine. Ang theobromine ay walang negative side effect sa katawan samantalang ang codeine ay nakakaantok at nakakawala ng sigla. Hindi sila nagbibigay ng direktang pahayag na “Hoy, magsikain kayo ng chocolate kapag inuubo”. Ang sinasabi lang nila ay walang mawawala kung susubukan ninyong kumain ng unsweetened dark chocolate kung inuubo. Kasi kapag nagbigay sila ng strong statement tungkol dito, ma­aaring masagasaan nila ang higanteng pharmaceutical companies. (sheyahoo.com/womenshealthmag.com)

AYON

CHOCOLATE

HULL COUGH CLINIC

KASI

MATAPOS

NATIONAL HEART AND LUNG INSTITUTE

THEOBROMINE

UNIVERSITY OF HULL

YORKSHIRE UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with