^

Punto Mo

Ang relasyon ni Supt. Marantan sa jueteng lord

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KAHIT deny to death pa si Supt. Hansel Marantan, ang hepe ng RSOG at deputy chief intelligence ng PRO4-A, kalat naman sa Calamba City na may relasyon talaga siya sa jueteng lord na si Tita Dinglasan, ang ugat ng shootout sa Atimonan, Quezon kung saan 13 katao ang nalagas. Para makabangon sa masamang public perception sa katauhan niya, sinabi ni Marantan sa isang TV interview na wala man lang sa kanyang pamilya ang sangkot sa jueteng. Subalit sinabi naman ng mga kosa ko sa Calabarzon na mukhang si Marantan na lang ang hindi nakaaalam na may pa-jueteng si Dinglasan. Kung hindi kapatid ni Maratnan si Dinglasan, malapit na kamag-anak ang relasyon nila, ayon sa mga kosa ko sa Calabarzon. Kaya nga nagkagulo ang tabakuhan sa PRO4-A e dahil sa pakikialam ni Marantan, na direktang nagrereport kay Calabarzon police director Chief Supt. James Melad. Hindi naman magtapang-tapangan ang kampo ni Dinglasan kung walang basbas ni Melad, anang mga kosa ko sa Southern Tagalog. Akala ko ba ayaw ni Melad ng mga pasugalan sa PRO4-A?  Alam ko naman na inambisyon ni Melad ang maging PNP o dili kaya’y NCRPO chief at ang pag-ayaw niya sa pasugalan ang ginawa niyang behikulo tulad ng idol niya na si Sen. Ping Lacson. Subalit nang hindi nakuha ni Lacson ang minimithing DILG post, kumambiyo na rin si Melad sa anti-jueteng campaign niya? Maraming katanungan ang mga kosa ko sa Calabarzon at baka makasagot na si Melad sa susunod na kolum.

Maliban pala kay Dinglasan, itong sina Vic Siman, isa sa namatay sa Atimonan shootout at ang alyas Engel ang sabay na nagbukas ng bookies ng STL sa Calamba City. Subalit si alyas Engel ay pinaslang ng riding-in-tandem suspects sa Calamba City mga anim na buwan na ang nakararaan. Sa pagkamatay ni Engel, nag-agawan ng bet collectors sina Dinglasan at Vic Siman, ayon sa mga kosa ko sa Calabarzon area. Ang anim na tauhan ni Engel na lumipat sa kampo ni Vic Siman ang napaslang o ginawang pabaon sa pag-upo ni Supt. Cesar Tannagan bilang hepe ng Calamba City noong Nobyermbre. Itong sina Melad at Tannagan ay nakalinya sa kampo ni Lacson sa PAOCTF. At ang main operator sa Calamba shootout ay si Maratnan, anang mga kausap ko. Siyempre, nag-file ang kampo ni Siman ng samu’t saring kaso laban kina Marantan at iba pa.

Sinabi ng mga kausap ko na pinara ang dalawang SUV sa checkpoint sa Atimonan, Quezon at pinabababa si Supt. Alfred Consemino. Subalit hindi bumaba ng sasakyan si Consemino sa pangambang may mangyaya-ring masama sa kanyang kasamahan. Tumalikod ang kausap ni Consemino at kumpiyansa siya na hindi na sila gagalawin dahil sa presence niya. “Yon ang malaking pagkakamali niya!

Ang tanong ng mga kausap ko, nasaan ang P65 milyon na dala ng grupo ni Siman na pang-bond ng security agency na bubuksan nila sa Bicol at napagbilhan nila ng ginto sa Paracale? Abangan!

 

ATIMONAN

CALABARZON

CALAMBA CITY

DINGLASAN

ENGEL

MARANTAN

MELAD

SUBALIT

VIC SIMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with