^

Punto Mo

Weh, totoo? Ice Cream Flavorology

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

KUNG may astrology, may katapat naman itong Ice Cream Flavorology. May kinalaman daw sa iyong pagkatao ang paborito mong flavour ng ice cream. Sige nga, tingnan natin kung may katotohanan:

Ang Butter Pecan Nut Lover ay matapat at masipag na empleyado kaya maituturing na yaman siya ng kanyang kompanya. Kaya lang ay malihim kahit sa kanyang malapit na kaibigan. Romantically compatible sa Mint Chocolate Lover.

Ang Chocolate Chip Lover ay mahilig makipagkumpetensiya at malayo ang nararating dahil sa kasipagan. Matulungin siya at marunong mag-share ng kanyang blessings kaya madalas ay kinikilala sa larangan ng pagkakawanggawa. Romantically Compatible siya kay Butter Pecan Lover o Double Chocolate Chunks Lover.

Ang mahilig sa Coffee Flavour, ay madrama, magaslaw at masayahing maingay. May ugali kang mag-concentrate sa bagong project at ang luma o dating project ay pababayaan na lang kahit hindi pa tapos. Kung ano ang makahuma­lingan, iyon na lang ang aasikasuhin. Mabilis magsawa sa boring na karelasyon. Romantically compatible sa Strawberry Lover.

Ang Double Chocolate Chunk Lover ay masayahin, malikhain at emos­yunal. Siya lagi ang “life of the party” at type na type na siya ang bumibida sa mga umpukan. Hate na hate naman niya ang mapag-isa. Romantically com­patible sa Butter Pecan Lover at Chocolate Chip Lover. (May Karugtong)

 

 

 

vuukle comment

ANG BUTTER PECAN NUT LOVER

ANG CHOCOLATE CHIP LOVER

ANG DOUBLE CHOCOLATE CHUNK LOVER

BUTTER PECAN LOVER

CHOCOLATE CHIP LOVER

COFFEE FLAVOUR

DOUBLE CHOCOLATE CHUNKS LOVER

ICE CREAM FLAVOROLOGY

LOVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with