HINDI lamang mga daga ang tinuturuan ng mga bilanggo para matulungan silang makatakas, pati pusa tinuturuan na rin. Ganito ang ginagawa ng mga bilanggo sa Arapiraca jail sa Brazil.
Nagtaka ang jailguard nang makita ang alagang pusa ng mga preso na labas-masok sa jail. Noong una ay hindi pinapansin ng guard ang pusa sapagkat noon pa ito labas-masok doon.
Pero nagtaka siya nang minsan ay makita niyang isinama ng isang kamag-anak ng preso ang alagang pusa sa bahay nito.
At lalo pang nagtaka ang guard nang mapansin na matambok ang katawan ng pusa nang ito ay pumasok sa jail. Agad ipinahuli ng guard ang pusa.
Natuklasan na may bag pala na naka-strapped sa katawan ng pusa. Nang buksan ang bag nakita ang blades, drill parts, at cell phone na may battery at charger.