^

Punto Mo

Lampong (171)

Pang-masa

NAUPO si Dick. Si Jinky ay tila hindi naman mapakali. Para bang may iniiwasan siya. Ba­lisa rin at hindi makatingin sa kanya ng deretso.

“Ikaw na lang ba talaga ang nakatira rito, Jinky?” Tanong niya. Mahinahon ang boses niya.

“Ako na lang, Tito Dick…”

“Bakit? Hindi na ba umuuwi rito ang  Tita Puri mo?”

“Po?” Parang nagulantang si Jinky. Bingi na ito o nagbibingi-bingihan lang.

“Hindi na ba umuuwi rito si Tita Puri mo?”

“H-hindi na po Tito. Kasi’y …”

“Kasi’y mayroon na siyang iba?”

“E…’’

“Mayroon na siyang iba di ba, Jinky?”

Namutla si Jinky. Lalong nabadha sa mukha ang takot. Kinakabahan.

“Alam ko na ang lahat, Jinky kaya huwag ka nang matakot na magsabi kung ano ang mga nalalaman mo. Gusto ko rin namang malaman kung ano ang dahilan at tinarantado ako ng Tita mo. Mabait naman ako.”

“Tito Dick…’’

“Sige na, Jinky, ano ang nalalaman mo?”

“E Tito Dick huwag ka pong magagalit. Kasi po’y talagang natatakot ako. Hindi naman talaga ako dapat kasama rito e kaso’y si Tita lang ang mapilit. Ayaw ko ngang sumunod sa utos niya kaso e nagagalit sa akin…’’

Napamaang si Dick. Anong ibig sabihin ni Jinky?

“Naguguluhan ako Jinky. Paki-clear nga ang sinasabi  mo.”

“Si Tita Puri kasi ay may pinagagawa sa akin, Tito…”

“Ano yun?”

“Tuksuhin daw kita. Gawin ko raw ang lahat para tayo mag-sex.’’

Gimbal si Dick. Ano ito?

“Bakit?”

“Para raw may dahilan  siya na makipaghiwalay sa’yo…”

Nakamaang pa rin si Dick. Plano pala iyon ni Puri.

“Kapag daw nag-sex tayo, madali ka nang masi­sisi ni Tita. Pararatangan kang taksil. Mahilig. Manyak. At kung anu-ano pa. At iyon ang magiging dahilan para siya makapili ng ibang lalaki. At buong akala niya, habang nasa Baguio siya ay nagtatalik na nga tayo. Hindi niya alam, tumanggi ka sa akin…”

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

BAKIT

BRVBAR

DICK

JINKY

KASI

TITA

TITA PURI

TITO DICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with