^

Punto Mo

Nagkamali ng pasok: 2 magnanakaw ng alahas, restaurant at charity shop ang pinasok sa halip na jewelry shop

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DITO sa Pilipinas, iba’t ibang style ang ginagawa para manakawan ang jewel­ry shop. May­­­roong gumagawa ng tunnel para mapasok ang jewelry shop pero may nag­kakamali dahil ibang shop ang kanilang napasok.

Sa Queensland. Australia ay uso rin ang pagnanakaw sa jewelry store. Noong bisperas ng Bagong Taon, dalawang magnanakaw ang pumasok sa isang jewelry shop. Binasag nila ang salamin ng bintana at saka hinagisan ng spark plugs. Pero pumalpak ang spark plugs.

Sa halip, minabuti nilang sa likod na lang magdaan. Pero malaking pagkakamali sapagkat Animal Welfare charity shop pala ang kanilang napasukan. Ganunman, nilimas nila ang anumang mapapakinabangan sa shop.

Gumawa pa sila ng paraan. Gumawa sila ng butas sa toilet para magkaroon ng access sa jewelry shop pero ma-laking pagkakamali sapagkat ang napasukan nila ay Kentucky Fried Chicken branch. Nilimas din nila ang anumang naroon.

Binilang nila ang nakulimbat: $33 ang nakuha sa charity shop at $1,700 sa KFC.

Ipinasya na nilang lumabas. Paglabas, nakaabang na ang mga pulis at inaresto sila.

 

ANIMAL WELFARE

BAGONG TAON

BINASAG

BINILANG

GUMAWA

KENTUCKY FRIED CHICKEN

PERO

SA QUEENSLAND

SHOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with