Noong araw ay walang mga TV, radio
Hindi natin kita ang mga peligro;
Ang lindol at baha tumatama rito
Hindi tumatakot sa diwa at puso!
Subali’t sa ngayong science ay maunlad
Ang mga sakuna’y nakikitang lahat;
Barilan sa kalye, bombahang malakas
Namamasid nating kagila-gilalas!
Katulad na lamang ng mga biktima
Naghanay na bangkay du’n sa Campostela;
Kung ito’y naganap noong dakong una
Masamang detalye’y hindi natin kita!
Kaya masasabing itong kaunlaran
Masama ang dala sa sangkatauhan;
Sa TV ang mundo ay nailarawan --
Na parang totoong mundo’y mapaparam!