^

Punto Mo

Mga taong naghanda sa end of the world (2)

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

LALAKI SA AUSTRALIA, GUMASTOS NG $350,000 PARA PAGHANDAAN ANG END OF THE WORLD – Si Robert Bast, 46, ng Melbourne, Australia ay naniniwalang magugunaw ang mundo batay sa prediksiyon ng Mayan Calendar. Ayon kay Bast, maaaring mangyari ang prediksiyon kaya kailangang maghanda ang lahat. Ayon sa Mayan calendar, magaganap ang katapusan ng mundo sa 12-21-12.

Para mapaghandaan ang end of the world, bumili si Bast ng 75-acre na lupa sa tuktok ng bundok (1,500 feet above sea level). Ito ay para maiwasan ang tsunamis at pagbaha. Nagtayo siya ng bahay at bunker doon. Bumili siya ng pickup truck para mayrooong sasakyan sa oras ng pangangailangan. Nag-stock siya ng pagkain at tubig. Bumili siya ng batteries, generators, water purifiers, solar power at gas cookers.

Lahat-lahat, gumastos si Bast ng $350,000. Ang ginastos niyang pera sa para sa safehouse ay kanyang inutang.

Ayon kay Bast, marami raw ang nagsabi sa kanya na siya ay crazy.

 

 

• • • • • •

NAG-ALAGA NG MGA TILAPIA PARA KAININ SA END OF THE WORLD --- Isang lalaki sa Phoenix, USA ang naghanda rin sa end of the world noong 12-21-12. Kung ang iba ay gumawa ng sasakyan o capsules para magamit kapag ginunaw ang mundo o kaya’y bumili ng bahay sa mataas na lugar para hindi abutin ng tsunami, ang lalaki sa Phoenix ay nag-alaga naman ng 1,000 tilapia para sa kanyang pagkain.

Pero kakaiba ang lalaki sa-pagkat inalagaan niya ang tilapia sa kanyang swimming pool.

Inilagay niya ang mga tilapia sa mababang bahagi ng swimming pool. Ayon sa lalaki, ito ang kanyang kakainin sa sandaling magkakarooon na ng solar flare. Ito na umano ang simula ng paggunaw sa mundo.

Lumipas ang 12-21-12 at nanatili pa ring buo ang mundo. Hindi na binanggit kung ano ang gagawin ng lalaki sa kanyang 1,000 tilapias na nasa swimming pool.

 

AYON

BULL

BUMILI

INILAGAY

ISANG

LAHAT

MAYAN CALENDAR

PARA

SI ROBERT BAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with