Ang mga taong naghanda sa end of the world (1)
AYON sa Mayan calendar, magugunaw ang mundo sa 12-21-12 o December 12, 2012. Alas siyete raw ng gabi magaganap. May babangga raw na asteroid sa Earth at ito ang dahilan kaya ito malulusaw. Pero sumapit ang 12-21-12 na wala namang nangyari at ngayon nga ay 12-23-12 na.
Pero maraming tao ang naghanda sa umano’y end of the world.
Isa rito ang amateur inventor na si Liu Qiyuan ng China. Nag-imbento siya ng capsules na sasakyan nila kapag naganap ang katapusan ng mundo.
Na-inspired si Liu sa movie ‘2012’ kaya niya nilikha ang capsules. Gumastos si Liu ng 1.8 million yuan ($288,000) sa project. Pitong capsules ang ginawa ni Liu.
Sampung workers ang kanyang katulong sa paggawa ng capsules. Ang capsules ay ginawa sa metal frame na may cover na fiberglass. Kaya nitong i-block ang radiation. Kung magkakaroon ng baha, kaya nitong mag-maneuver 360 degrees sa ilalim ng tubig. Ang laman ng bawat capsules ay 14 na tao. Mayroon itong sapat na suplay ng pagkain na tatagal ng limang buwan.
Sabi ni Liu, “Totoo man o hindi na magugunaw ang mundo sa 12-21-12, naka-handa kami. Dapat na gamitin ang utak sa pagkakataong ito.” Tinawag ni Liu ang kanyang project capsules na “Noah” bilang pagkilala sa Biblical counterpart.
- Latest