NGAYON daw ang the end ng mundo. Hindi naganap noong ika-12, at ngayon naman ay ang ika-21. Ito ang huling araw sa Mayan Calendar.
Ngayon na ba ang the end? Magugunaw na ba ang mundo bago matapos ang araw na ito?
Hindi ako naniniwalang the end na. Ang sabi sa Bibliya ay mangyayari ito sa panahong hindi natin inaasahan. Ngunit ang petsa ng katapusan ay hindi alam o malalaman ng tao. Ayon sa 2 Peter 3:10, darating ang araw na iyon na parang magnanakaw sa gabi. Hindi mo mararamdamang sasalakay kung saan ang kalangitan ay magugunaw at sasabog ang lahat nang nasa mundong ibabaw. Malulusaw at lalamunin nang isang malaking apoy. Ang mundong ito ay maglalaho ng parang bula.
Ang pahayag sa 2 Peter 3:11 at 12 ay tungkol sa paghahandang dapat gawin upang mapaghandaan ang judgement day. Maghanda gabi-gabi na kaharapin ang Diyos na ultimate ending at beginning din natin. Sa madaling salita, mamuhay nang tama, ayon sa nais ng Diyos. Bawiin man Niya ang buhay natin anumang sandali, makahaharap tayo sa Kanya. Be a man worthy of facing God. Dahil ang taong tanggap na ang kanyang tadhana ay handang makita at makaharap Siya. Hindi nangangambang isang araw ay hindi na niya masisilayan ang araw. Handa siya at naniniwalang pangangalagaan siya ng Diyos sa lahat nang oras.
Kaya ang tanong ng karamihan ngayon: Ano ang gagawin nila upang masagip at makaakyat sa langit. Paano ba magiging katanggap-tanggap sa Diyos?
Isang bagay lang: Pagkilala sa ating pagiging makasalanan. Pagsisisi sa ating pagkakasala. Pagbabalik-loob sa Kanya. Ang kapatawaran ay para sa lahat. Ang kailangan lamang ay gawin ay hingin ito. Ask and you shall receive. Ang hinihintay lamang Niya ay tanggapin ng mga tao ang alok na sumama sa Kanya at mamuhay na parang Siya. Kapag isinuko ang lahat sa Kanya, sigurado, kahit saan pa mapadpad ay maliligtas —kahit pa magunaw ang mundo.
Hindi pa the end, magbi-birthday pa ako next week!