1.4 Kilos ng cocaine, natagpuan sa niretokeng mga suso

ISANG 20-anyos na Panamanian woman ang pinigil sa Barcelona Airport nang maghinala ang Immigration authorities sa kanya. Galing Colombia ang babae.

Nang rekisahin ang babae, nakita ang bagong sugat at nakabuka pa sa ilalim ng mga suso nito. Nakita rin ang mga puti na bagay sa sugat. Sinabi ng babae na kasasailalim lamang niya sa breast implants dalawang buwan na ang nakararaan. Nakabuka umano ang sugat sa kanyang mga suso dahil dumudugo pa ang mga ito.

Sinuri ng mga awtoridad ang sariwa pang sugat sa mga suso ng babae. Nagduda ang mga awtoridad kaya dinala sa ospital ang babae. Doon ay natuklasan na pawang cocaine pala ang nasa loob ng suso ng babae. Sa dami ng cocaine, pati ang mga ugat sa suso ay pinasok na rin ng cocaine.

Tinanggal ang cocaine at pati na rin ang implants sa mga suso. Nang timbangin ang cocaine, umabot ito sa 1.4 kilograms na may street value na $80,000.

 

Show comments