^

Punto Mo

Magpa-colonoscopy para iwas-colon cancer

DOCTORS TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

ANG  “colonoscopy” ay ang pagsilip ng doktor ang loob ng ating large intestine o colon. Gumagamit ng manipis at flexible na instrumentong ipapasok sa anus, kung tawagi’y colonoscope, upang makita ang loob ng colon. May nakarugtong na isang maliit na video camera sa colonoscope para makakuha ng larawan sa colon. Dahil dito puwede nang matuklasan ang mga ulcer (sugat na malalim), polyps (mga tumubong laman na may tangkay), tumor (bukol), lugar na may pamamaga o pagdurugo sa loob ng colon. Matutuklasan kung may nagsisimula ng kanser sa loob ng colon. Kung may matuklasan mang tumubo roon o kaya’y may nagaganap na pagbabago sa loob ng colon, maaagapan agad ito at magagawan ng paraan.

Puwede ring kumulekta ng sampol ng tissue sa loob ng colon para masuri ito. Biopsy ang tawag natin dito. Makikita rito kung benign (di-nakakakanser) o malignant (kanser) ang naturang bukol o sugat na nakita roon. Puwede rin nitong tanggalin ang polyps (tumubong laman na may tangkay) sakaling may makita sila roon hangga’t hindi pa nagiging cancerous ang mga naturang polyps.

Ipinapayong sumailalim dito ang mga nasa edad 45 pataas. Pero lahat ng taong edad 50 pataas, may lahi man o wala ng kanser sa pamilya, ay dapat sumailalim dito. Habang nagkaka­edad, mas lumalaki kasi ang tsansa na magkaroon ng kanser sa colon. Higit sa 90 per cent ng mga taong natuklasang may colon cancer ay nasa edad 50 pataas.

Pero kahit wala pang 50, kahit nasa 40s pa lamang, ay puwede nang magpa-colonoscopy lalo na kung mataas ang panganib na magkaroon ka nito. Puwedeng magpa-colonoscopy ang mga sumusunod: 1) Yung mga taong may kasaysayan ang pamilya nang pagkakaroon ng colon cancer (tanungin kung may malapit na kaanak na nagkaroon ng sakit na ito: magulang, kapatid, tiyuhin/tiyahin, pinsan); 2 Yung mga taong may family history ng pagkakaroon ng polyps sa loob ng colon; 3) Yung mga taong nagkaroon ng tinatawag na “inflammatory bowel disease” gaya ng ulcerative colitis at Crohn’s disease.

Kung may isa o higit pa sa tatlong nabanggit, magtanong agad sa doctor kung kailan dapat isagawa ang colonoscopy.

 

COLON

CROHN

DAHIL

GUMAGAMIT

KUNG

LOOB

PERO

PUWEDE

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with