^

Punto Mo

Abusadong Santa Claus sinibak sa mall

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAPAT mabait at hindi abu­ sado si Santa Claus. Dapat lagi siyang nakatawa para lumapit ang mga bata sa kanya.

Pero hindi ganito ang ugali ng isang Santa Claus sa isang shopping center sa Maine, U.S. Abusado siya at masungit sa mga bata. Dahil dito, sinibak siya ng management ng mall.

Maraming reklamo ang na- tang­­ gap ng management. Umano, hindi pinauupo ni Santa Claus ang bata sa kanyang kandungan para magparetrato hangga’t hindi nagbibigay ng $12.

Isang batang babae rin ang nagreklamo na humihingi siya ng American Girl doll kay Santa pero masungit umano nitong sinabi na ang dapat ibigay sa bata ay American football.

Marami pang reklamo. Dahil dito sinibak ang Santa Claus.

 

• • • • • •

 

Pinagtalunan ang zombiesnobya, binaril ng nobyo

 

 

MADALAS magtalo sa text messages ang magkasinta-hang Jared at Jessica. Pero ang pagtatalo nila ukol sa zombies ang pinaka-matindi. Pinagtalunan nila kung totoo nga ba na mayroong zombies. Si Jared ay naniniwalang mayroong zombies samantalang kinontra naman ito ni Jessica at sinabing walang katotohanan ang zombies.

Pero ipinagpilitan ni Jared na totoo ang zombies. Maaari nga raw mag-takeover ang mga zombies sa military sa dara-ting na panahon. Pero sabi ni Jessica, huwag daw seryosohin ang mga zombies. Pero napikon si Jared at kung anu-ano na ang mga sinabi.

Para mapakalma ang nobyo, pinuntahan ito ni Jessica sa bahay. Pero lalo lamang lumubha ang pagtatalo ukol sa zombies. Ayaw siyang papasukin ni Jared sa bahay. Nang magpumilit siyang pumasok, binaril siya nito.

Grabeng tinamaan ang tad-yang, baga (lung) at diaphragm ni Jessica.

 

vuukle comment

ABUSADO

AMERICAN GIRL

DAHIL

JARED

JESSICA

PERO

PINAGTALUNAN

SANTA CLAUS

SI JARED

ZOMBIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with