Mga prutas na nakatataba (Part 1)

ALAM mo ba na ang pagkain nang maraming prutas ay nakatataba? Kahit na masasabi nating masustansiya ang prutas at mayaman sa bitamina at fiber, huwag din sosobra sa pagkain nito.

May mga tao na mahilig sa mangga at nakakaubos ng buong mangga bawat kainan. Kaya hindi kataka-taka na tumaba sila. Kaya para hindi masira ang iyong diyeta, alamin natin ang tamang pagkain ng prutas:

Tip No. 1: Magbawas sa mga dried fruits.

Kumpara sa sariwang prutas, ang mga pinatuyong prutas ay napakataas sa calories. Ang calories ang enerhiya o sustansya na ibinibigay ng isang pagkain sa ating katawan. Kapag mas mataas ang calories, mas nakatataba ito. (Para lang may paghahambingan, ang isang tasang kanin ay 200 calories.)

Ang kalahating tasa ng raisins (mula sa tinuyong grapes) ay may taglay na 219 calories. Mas marami pa sa isang tasang kanin! Ikumpara mo ito sa isang mansanas na may taglay lamang na 70 calories.

Tip No. 2: Magbawas sa mga de-latang prutas.

Ang mga de-latang prutas ay kadalasan nakababad sa matamis na syrup, at ito ang magpapataba sa iyo. Sa katunayan, mas mabuti ang natural na asukal ng prutas na kung tawagin ay fructose, kaysa sa white sugar o corn syrup na ginagamit sa mga syrup.

 

Show comments