Personal

(Hahayaan kong “silipan” ninyo ako. Itsitsismis ko sa inyo ang mga nangyari, nangyayari at mangyayari sa aking “journey” patungo sa kaganapan ng aking mga pangarap.)

“Weird Cravings” ng mga naglilihi

IPINAGLIHI ko ang aking panganay sa native bayabas, ‘yung normal ang size na malutong. Kailangan pang magbilin ako sa aming probinsiya dahil pulos malalaki ang bayabas na nabibili sa palengke malapit sa aming tinitirhan. Pagkakain nito ay iinom ako ng Coke or Pepsi na may nakalutang na maraming yelo. Sa loob ng dalawang linggo ay ito ang aking inaalmusal, tanghalian at hapunan. Sa aking pagtataka ay hindi sumasakit ang aking tiyan sa aking pinaglalalaklak. Pagkaraan noon ay iba na naman ang aking kinahumalingang pagkain—fish ball na binibili sa cart. Gusto ko ay paghahaluin ang brown sauce at suka. Pagkaubos ng fish ball ay iinumin ko ang pinaghalong sauce at suka na hinihingi ko sa tindero. Hindi ako nasasarapan kapag ako ang nagluto ng fish ball at sauce sa bahay.  Ewan ko kung anong “meron” doon sa itinitinda sa harapan ng opisinang pinagtatrabahuhan ko noon.. Tuwang-tuwa yung mamang tindero kapag natatanaw na niya ako na lumalapit  sa kanyang puwesto. Basta’t  bumili ako, ilang oras lang ang palilipasin at mabilis na nauubos ang kanyang tinda. Simula noon ay naniwala na siya na totoong nagdadala ng suwerte ang buntis.

Akala ko ay weird na ang napaglihian ko noon. Hindi pala. Mayroon pang mas weird na paglilihi. Ito ay “craving” (pagka-sabik na kainin)  sa mga hindi pagkain. Si Ryzza Mae Dizon, ang Little Miss Philippines  latest winner ng Eat Bulaga ay ipinaglihi sa upos ng sigarilyo. Ang iba pang napaglilihian na hindi pagkain ay uling pintura at lupa. At ang malala, talagang kinakain nila ito. Ang ikalawang anak pala ni Britney Spears ay ipinaglihi sa lupa at fried chicken. Yes, magkapartner ang dalawa kapag kumakain siya. Iyon ang “pares” kay Britney.

May kapatid ang aking kaibigan na pintura ang napaglihian. Mabuti naman at “solved” na siya sa pagtitig at pag-amoy sa pintura. Ang payo ng doktor ay ngumuya ito ng chewing gum para doon lumipat ang kanyang attention dahil delikado ang pag-amoy

 

Show comments