HINDI napigilan ni Dick na mapahagikgik nang halikan ni Jinky ang kan-yang likod. May kiliti siya roon. Masyadong malakas. Hindi niya inaasahan na yayakapin siyang bigla ni Jinky.
Nagtaka naman si Puri nang mapahagikgik si Dick.
“Ba’t ka nagtawa, Dick?”
“Ha a e w-wala. May naaalala lang akong bigla. Nakakatawa ang naaalala ko kaya bigla akong nagtawa.’’
“Kasi’y parang nakiliti ka.’’
“Hindi.’’
“Si Jinky nasaan na?”
“Lumabas na. Inaasikaso ang baby niya,” sabi niya at tiningnan si Jinky na naka-yakap sa likod niya at na-kadampi ang labi roon.
“Ikaw nga ang tumingin sa baby ni Jinky. Kasi’y wala akong tiwala kay Jinky. Masyadong malikot ang babaing ‘yan. Baka kung anu-ano ang ginagawa kaya hindi naaalagaan ang bata. Kapag ayaw bumaba ang lagnat ay pakidala mo na sa clinic. May malapit na clinic diyan. Puwede, Dick?”
“Oo naman. Ikaw pa. Alam mo namang love na love kita.’’
“Salamat, Dick.”
“Kailan nga ang uwi mo?”
“Na-extend di ba ang se-minar namin. Gusto ko na ngang umuwi dahil naiinip na ako rito.”
“Malamig ba ang klima diyan sa Baguio, Puri.’’
“Super ginaw dito. Balot na balot nga ako ng kumot…’’
Maya-maya, hindi na naman napigilan ni Dick ang mapahagikgik. At nagtaka na naman si Puri.
“O may naisip ka na namang nakakatawa, Dick? Humagikgik ka na naman.”
“Oo. Hindi ko mapigilan Puri kapag naalala ko ang nakakatawang yun.’’
“Nakaupo ka ba o nakatayo, Dick?”
“Ha a e nakaupo, bakit?”
“Kasi parang may naririnig akong kaluskos sa sahig. Parang may maingay na mga paa.”
Sinenyasan ni Dick si Jinky na itigil ang pagbagsak ng paa sa sahig. Malikot kasi ang mga paa ni Jinky.
“Nakaupo ako sa kama. Baka naman ingay ng phone mo ang iyong naririnig.’’
“Hindi. Diyan ang naririnig ko. Parang bagsak ng paa.’’
“Nakaupo ako kaya wa- lang paa na nasa sahig, Puri.”
“Nawala na ang antok ko. Sige magkuwentuhan pa tayo, Dick.’’
“A e sige. Kuwentuhan mo ako.’’
Habang nagsasalita si Dick ay mayroon na namang ginagawang “kakaiba” si Jinky. Nasa harapan na niya ito at nakaluhod.
(Itutuloy)