^

Punto Mo

‘25 araw na bayanihan’ (Pamaskong handog)

- Tony Calvento - Pang-masa

SINIMULAN na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang pinakamalaki nitong ‘gift-giving event’ ngayong panahon ng kapaskuhan. Binansagan itong “BAYANIHAN: PAMASKONG HANDOG NG PAGCOR 2012”, naglaan ang ahensiya ng P26.7 milyong piso para tustusan ang nabanggit na gift-giving activity na tatagal mula ika-29 ng Nobyembre hanggang ika-20 ng Disyembre 2012. Mahigit walong libong kapuspalad na mamamayan na nasa pangangalaga ng apatnapu’t isa (41) na institusyon sa ibat-ibang panig ng bansa ang makikinabang sa nasabing aktibidad.

Ayon kay PAGCOR Chairman Cristino “Bong”  Naguiat Jr., ang Pamaskong Handog event ng PAGCOR ngayong taon ay higit na naging espesyal dahil sa “BAYANIHAN” component nito. Ang mga empleyado ng PAGCOR ay nagtutulong-tulong sa paggawa at pagkukumpuni ng mga pasilidad sa ilang institusyon. Kabilang sa mga ito ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital na bibigyan ng PAGCOR ng isang ‘halfway house’ para sa nagpapasusong ina.

Pinaganda din ng PAGCOR ang ilang ‘wards’ ng mga batang pasyente ng National Children’s Hospital (NCH). Samantalang ang Philippine Orthopedic Center ay tinutulungan ng PAGCOR na magtayo ng isang ‘healing garden’ para sa mga pasyente nitong nagpapagaling. Sa ika-apat na araw ng pamaskong handog, ang PAGCOR ay nagbigay pag-asa at lakas ng loob sa mga grupo ng mahihirap sa ating lipunan (marginalized sector.) Tulad ng “Sama Dilaut”, komunidad sa Pampanga. Mahigit  sa isang daang pamilyang Badjao ang nabigyan ng ‘Noche Buena gift pack’ para sa kanilang pangangailangan at para na rin sa darating na kapaskuhan. Nangako rin ang PAGCOR na bubuo ng dalawang balon para sa patuloy na pagpapaunlad ng Sama Dilaut upang matugunan ang konseptong “Bayanihan”, sa pagbibigay ng regalo sa buong bansa.

Bukod sa “Sama Dilaut”, nagbigay din ang PAGCOR  ng maagang Pamasko sa mga ‘less fortunate’ na mga bata sa ilalim ng pangangalaga ng Angeles Bahay Bata Center sa Pampanga. 

 

Bukod sa ibinahaging ‘gift pack’ sa isandaan labing siyam (119) na pamilya, nagbigay din ang PAGCOR sa Angeles Bahay Bata Center ng isang 32-inch TV, washing machine, walong ceiling fans, walong wall fans, limang bola ng volleyball at limang bola ng basketball. Isinaayos din ng mga opisyal at empleyado ng Casino Filipino-Angeles ang basketball court nito. Para naman sa ika-limang pamaskong handog ng PAGCOR, sinamahan ni Vice President Jejomar Binay ang PAGCOR sa pagbibigay saya sa isandaang mahihirap na kabataang naka-confine sa Hematology Ward ng National Children’s Hospital.

Kaugnay ito ng “Bayanihan: Pamaskong Handog ng PAGCOR 2012”, kung saan ay nagsagawa ng isang gift-giving party ang ahensya sa mga batang may sakit na kasalukuyang nagpapagaling sa nasabing hospital. Ipinagkaloob din ng PAGCOR ang kahilingan ng National Children’s Hospital na maayos at maganda ‘Hematology Ward Area’. Dito nakaratay ang mga batang may malulubhang sakit gaya ng cancer. Naglaan ang PAGCOR ng P2.29 milyong piso para sa naturang gift-giving event sa National Children’s Hospital. Kung saan P1.78 milyon ang napunta sa pagbili ng mga gamit pang-ospital tulad ng ‘mechanical ventilator’, ‘tatlong infusion pumps’ at tatlong ‘syringe pumps’ .

Ayon kay PAGCOR Chairman Naguiat Jr. na siyang nanguna sa pamaskong handog activity sa nasabing ospital, patuloy na tutulong ang ahensya sa mahihirap,  kabilang na ang mga batang naka-‘confine’ sa National Children’s Hospital na may malalang karamdaman. Ito na ang tinatayang pinakama-laking gift-giving project sa kasaysayan ng PAGCOR na may kabuuang pondong aabot sa P26.7 milyong piso. Hindi dito nagtatapos ang “Bayanihan: Pamaskong Handog ng PAGCOR 2012” dahil meron pang dalawampung (20) araw  na nakalaan para sa kabuuan ng kanilang magandang proyektong sinumulan para sa bata at para sa Pasko. Mabuhay kayo diyan sa PAGCOR. Congratulations Ms. Maricar Bautista at lalong-lalo na kay Chairman Cristino “Bong” Naguiat Jr.!

(KINALAP NI CARLA CALWIT)

SA mga taong may problemang legal at gustong dumulog, ang aming mga numero 09213263166 (Aicel) / 09198972854 (Monique) / 09213784392 (Pauline). Tumawag sa 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Address: 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Bukas ang aming tang­gapan Lunes hang-gang Biyernes.

 

LSQUO

NATIONAL CHILDREN

PAGCOR

PAMASKONG HANDOG

PARA

SAMA DILAUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with