Kending sawa 7 feet ang haba!
November 25, 2012 | 12:00am
SA United States ay mayroong ginawang kendi na kamukhang-kamukha at kasinghaba ng sawa. Tumitimbang ng 12.2 kilograms ang kending sawa at may haba na 7 feet. Ang taglay na calories ay 36,720 calories.
Sa unang tingin, mapagkakamalang tunay na sawa ang kendi sapagkat detalyado ang itsura. Kuhang-kuha ang mga mata, ang kaliskis ng balat, kulay at ganundin ang pagkakabaluktot.
Ayon sa retailersVat19.com, maaaring hati-hatiin ang kending sawa sa 306 servings na ang timbang ay 40 grams na may 120 calories.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended