^

Punto Mo

Editoryal - Daming Pinoy na walang comfort room

Pang-masa

NAGKAROON ng typhoid outbreak sa isang barangay sa Palawan, isang taon na ang nakararaan. Natuklasan na kaya sila nagka-typhoid outbreak ay dahil sa maruming tubig na kanilang iniinom. Sa ilog kumukuha ng inuming tubig ang mga residente. Ang masama, sa ilog din pala sila dumudumi. Walang comfort room (CR) ang mga residente roon. Napigil ang typhoid outbreak nang rasyunan nang malinis na tubig ang mga residente. Hindi nabatid kung tinuruan ng local officials o DOH na magtayo ng sariling CR ang mga residente. Ayon sa DOH, bukod sa typhoid, maari ring magka-diarrhea, cholera, dysentery at parasitic worms ang mga residente kung dudumi sila sa kung saan-saan lang.

Sa report ng United Nations Children Emergency Fund (UNICEF), tinatayang 26-milyong Pinoys ang walang CR. Sinabi ni Michael Emerson Gnilo, specialist ng UNICEF Water, Sanitation and Hygiene na nag-increased pa ng 12 percent ang mga walang CR sa panahon mula 1998 hanggang 2008. Ang mga walang CR ay nakatira umano sa mga pinaka-mahihirap na lugar sa bansa gaya ng Masbate, Northern Samar at mga probinsiya sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ang kakulangan ng kaalaman ukol sa kalinisan ang dahilan kaya maraming nagkakasakit. Kung maipauunawa sa kanila ang kahalagahan ng may CR, mababawasan ang mga outbreak ng sakit. Ang Department of Health (DOH) ang nararapat magpursigi sa pamamagitan ng barangay para hikayatin ang mga residente na magtayo ng sariling CR. Turuan ang mga residente na makagawa ng CR para maiwasan ang mga sakit. Iligtas ang marami sa tiyak na kamatayan.

AUTONOMOUS REGION

AYON

MICHAEL EMERSON GNILO

MUSLIM MINDANAO

NORTHERN SAMAR

RESIDENTE

SANITATION AND HYGIENE

UNITED NATIONS CHILDREN EMERGENCY FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with