Lalaking nawasak ang mukha dahil sa sakmal ng Bear isinaayos ng mga doktor

MATAGUMPAY ang face transplant na sinagawa ng mga doctor sa isang lalaking sinakmal ng oso sa mukha. Naibalik ang nawasak na mukha ng 30-anyos na lalaki. Malaki naman ang pasasalamat ng mga doctor sa lalaking nagkaloob ng mukha (face donor) at ito ang itinransplant. Ang face donor ay mula sa 25-anyos na lalaking namatay sa aksidente.

Unang nagtangka ang mga doctor na itransplant ang bahagi ng balat mula sa kamay ng lalaki subalit hindi sila nagtagumpay. Masyadong malaki ang nawasak sa mukha dahil sa pagsalakay ng oso.  Naganap ang pagsalakay sa lalaki ng oso noong Oktubre 2004.

Ang nagsagawa ng transplant ay si Professor Shuzhong Guo ng Xijing Hospital at Fourth Military Medical University in Xi’an, Shaanxi Province, China. Tumagal ng 18-oras ang operasyon.                      

(Hinango sa http://www.oddee.com)

 

Show comments