VI. Makalat ang kuwarto
Ayon sa American Psychological Association, nakakagulo ng isipan ang makalat na kuwarto. Huwag ilagay ang computer sa bedroom. Natuklasan ng mga Japanese researchers na ang liwanag mula sa monitor ay pumipigil sa katawan natin na mag-produce ng melatonin. Ito ang hormone na responsable para tayo antukin.
VII. Nagkalat na liwanag sa bedroom
Kahit ang kapirasong liwanag na nagmumula sa alarm clock, street lamp, DVD player ay nakakaabala sa pagtulog dahil pumasok pa rin ito sa retina kahit ka nakapikit. Gumamit ng eye mask para maharangan nito ang liwanag na papasok sa mata.
VIII. Sensitive sa ingay
Kahit ang hulog ng karayom ay naririnig. Ayon kay Thomas Roth, director ng Sleep Disorders and Research Center ng Henry Ford Hospital sa Detroit, ang mahinang ugong (white noise) ng electric fan o aircon ay nakakatulong para mapagtakpan nito ang ingay na masakit sa tenga o nakakagulat. Ang totoo, hindi ingay ang nakakagising kundi ang pabago-bagong tunog na pumapasok sa tenga—maingay tapos mamaya tahimik. Kung ang white noise na tinatawag ang consistent na maririnig, ito ay hindi makakaabala sa natutulog.
IX. Maraming “dust mites” sa higaan
Lumang higaan ang madalas pinamamahayan ng dust mites. Hindi ka makatulog dahil sa kakakamot dulot ng dust mites. Kung nabubura na ang print ng inyong kutson, oras na para palitan ito.
X. Pinatutulog ang pets sa kuwarto.
Ipinapayo ng mga veterinarian sa United Kingdom, na hindi healthy na patulugin sa inyong bedroom ang alagang pets. Marami ngayong lumalabas na zootic diseases (sakit na nagmumula sa hayop tapos ay lumilipat sa tao), halimbawa ay SARS at Hendra virus. Hindi lang “sleep problem” ang idudulot ng inyong pets kundi mas seryosong sakit. Mabuti na ang nag-iingat.