^

Punto Mo

Asar ka na sa bilbil mo?

DIKLAP - Pang-masa

Okey, try mong inumin ang mga sumusunod para lumiit ang tiyan mo:

1. Malamig na tubig. Base sa German study, ang pag-inom ng at least 2 basong malamig na tubig per day ay nakakadagdag ng bilis ng metabolism ng mga 30 percent.

2. Gatas. Ang calcium na matatagpuan sa gatas ay may kakayahang tumunaw ng fats cells. Uminom ng isang baso araw-araw.

3. Green Tea. Ito ay may catechins na nagpaparami ng (Norepinephrine), isang metabolism-increasing brain che­mical. Kaya kapag uminom ng isang tasang green tea araw-araw, may pag-asang matunawan ka ng 70 calories per day or mabawasan ang timbang mo ng 3 to 7 lbs per year.

4. Apple Cider Vinegar. Nililinis nito ang liver at ang malusog na liver ay nakakatulong upang matunaw ang fat cells sa buong katawan. Kapag uminom ng 2 teaspoons cider vinegar (sundan ng pag-inom ng tubig)  bago kumain, ang fats na kakainin ay ilalabas kaagad ng katawan (sa pamamagitan ng ihi o dumi) bago pa man ito masipsip ng digestive system.

5. Soy or Wheat Protein Shakes. Ang protein sa liquid form ay mas mabilis umipekto sa katawan kaysa solid protein (karne, itlog, etc). Habang tinutunaw ng protein ang fat cells, pinipreserba naman at pinatitibay nito ang muscle.

APPLE CIDER VINEGAR

GREEN TEA

HABANG

KAPAG

KAYA

MALAMIG

NILILINIS

UMINOM

WHEAT PROTEIN SHAKES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with