Lampong(108)

“HINDI ka pa ba nakakapag-shower, Dick?”

“Nakapag-shower na pero maalinsangan e. Puwedeng sumabay, Puri’’

“Para namang puwede akong tumanggi e banyo mo naman ito.’’

“Maganda na rin ang nagsasabi at baka mapahiya ako.’’

“Marami kang sinasabi. Halika na nga!”

Nagmamadaling pumasok sa banyo si Dick. Ang pinong bagsak ng tubig mula sa dutsa ay bahagyang kumiliti sa kanya. May bahagyang lamig siyang naramdaman pero madaling nawala sapagkat niyakap niya si Puri. Nagsanib ang kanilang mga hubad na katawan. Tinalo ng init na nagmula sa kanilang katawan ang lamig ng tubig. Nangibabaw ang kasabikan sa isa’t isa. Siguro, kaya ipinasya na rin ni Puri na sa apartment ni Dick matulog ay para may mangyari sa kanila. Ginawa na rin lang dahilan na mayroong “kalandian” si Jinky sa unit niya at naiinis siya.

Pero hindi sa ilalim ng pinong tubig natapos ang kanilang pagmamahalan sapagkat may ikalawang bahagi sa malamig at mabangong kuwarto ni Dick. Kakaiba ang kanilang pagmamahalan sa mabangong kuwarto. Mas naibubuhos nila kapwa ang init na nararamdaman. Kung nakakalikha nga ng apoy ang mainit nilang pagmamahalan ay baka natupok na ang malamig na kuwarto. Pero kahit na gaano kainit ang pagmamahalan, hindi nakakalimot si Dick sa paglalagay ng “helmet”. Kailangan iyon para walang problema. At ganundin naman si Puri. Sa bawat pagmamahalan nila, kailangan ang proteksiyon para hindi magbunga ang kapusukan.

Nang matapos ang kanilang pagmamahalan, nagbiro pa si Dick.

“Sana lagi kang mainis kay Jinky para dito ka lagi matutulog.”

“Baka nga ganoon ang mangyari. Dito na ako lagi.’’

“Noon ko pa sinabi sa iyo na dito ka na tumira. Wala namang problema sa atin.’’

Napabuntunghininga si Puri.

“Bukas dito ka na dumeretso. Bibigyan kita ng susi mo.’’

“Sige.’’

“Puwede mo namang dalawin sina Jinky at baby niya.’’

“Ang problema ay kapag dumating ang mama ni Jinky.’’

“Saka na lang proble-mahin yun.’’

Napabuntunghininga muli si Puri.

(Itutuloy)

 

Show comments