Lalaking kidnap victim, sinunog

MANILA, Philippines – Isang 41-anyos na lalaki na hinihinalang biktima ng kidnapping for ransom ang natagpuang patay at sunog sa isang bakanteng lupa sa Barangay Sulsuguin, Nagcarlan, Laguna, nitong Sabado ng madaling-araw.
Kasunod nang pagkakaaresto sa isa sa mga suspek na dumukot dito.
Narekober ang bangkay ng biktima, na hindi muna pinangalanan, ala-1:40 ng madaling-araw noong Sabado ng mga operatiba ng Luzon Field Unit ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (AKG).
Ayon sa ulat, dinukot ang biktima kasama ang isa nitong kasama ng apat na hindi pa nakikilalang lalaki sa Parañaque City isang araw bago matagpuan ang kanyang bangkay.
Isa sa mga suspek ang naaresto sa isinagawang hot pursuit operation na siyang nagturo sa mga otoridad kung saan nila ibinaon ang sunog na bangkay ng biktima.
Patuloy ang imbestigasyon sa posibleng motibo sa krimen, kabilang ang personal na alitan,usapin sa droga at selos, bukod sa anggulong kidnapping-for-ransom.
Tinutugis ng mga otoridad ang iba pang suspek kasunod ng ulat na posibleng may isa pang biktima ng kidnapping na itinapon sa lalawigan ng Quezon.
- Latest















